Pagkatapos naming pumasok sa mansyon, nagpasya akong magpahinga muna sa sala habang hinihintay si Steven. Nang makaupo ako sa sofa, naramdaman ko ang kaunting pagod. Nang lingunin ko si Ate Mia, nakita kong abala siya sa pag-aalaga sa kambal. Ang mga bata naman ay tila hindi napapagod at patuloy sa paglalaro kahit pa nagpahinga na sila sandali kanina sa tabing-dagat. Nakangiti akong nagmasid sa kanila, iniisip kung paano kaya magiging ang saya kapag kami na ni Steven ang magkasama sa ganitong eksena, pero kasama na ang baby namin. Ilang minuto pa, dumating na si Steven mula sa labas kasama ang mga Kuya ko. Nakangiti siya habang papalapit sa akin, dala ang isang maliit na basket ng prutas. Umupo siya sa tabi ko at marahang inilapag ang basket sa mesa. "Fresh fruits from the garden,

