Kinaumagahan, wala na si Steven sa tabi ko ng magising ako. Hindi niya ako ginising para i-ready ang mga kailangan niya bago pumunta ng resort. Agad naman akong bumangon at nag-ayos ng aking sarili. Bumaba ako sa sala at naabutan ko na narooon na si Ryven at Steven sa hapag-kainan, kumakain ng agahan. Nalate ako ng gising o masyado lang naging mahimbing ang tulog ko dahil sa nangyari sa amin ni Steven kagabi. Nang mapansin ni Ryven ang pagdating ko ay agad naman itong nagpakalong sa akin. Nang lingunin ko naman si Steven ay ngumiti ito sa akin. “Good morning, Babe,” nakangiti niyang bati sa akin. Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin para ikiss ako. Ipinagtulak niya ako ng upuan saka ako umupo doon. Pinaupo ko naman ulit si Ryven sa kanyang folding chair para pakainin ulit.

