Sinamahan din siya ng mga magulang nito at ang kambal na kapatid ni Harvey pauwi sa kanilang bahay, hindi na sumama ang iba dahil may kanya-kanyang gimik na daw silang pupuntahan.
“Sundin ang sinabi ng doctor. Ingatan mo ang sarili mo lagi at huwag kang magpakapagod. Hahanap ako ng makakasama mo dito para gumawa ng mga bagay na hindi mo kayang gawin.” Paalala ng mommy ni Harvey.
“Mom, kaya ko siyang alagaan. Mas komportable akong walang ibang tao dito maliban sa aming dalawa lang,” kontra ni Harvey sa sinabi ng mommy nito.
“Kuya para din iyan sa bata, sundin mo na lang si Mommy,” ani Jazmyn na nakakibit ang balikat na nakatingin sa kanilang dalawa
“Alam mong hindi ako sanay na may ibang tao akong nakikita dito kaya nga lumayo ako sa inyong lahat ‘di ba?” ani Harvey.
“Harvey, nag-aalala lang kami kay Caryn. Look what happened, dahil sa mag-isa lang siya dito ay hindi agad siya nadala sa ospital, kung hindi ka pa umuwi ay wala tayong kaalam-alam sa nangyari sa kanya,” pangungumbinsi pa ng ama niya.
Natahimik si Harvey at tumingin sa kanya. “Hindi masama ang suhestiyon nila, para din ito sa magiging baby natin.”
Huminga muna ito ng malalim at muling nagsalita. “Okay, payag na ako pero huwag na kayong maghanap pa. Send someone in our mansion, mas palagay ang loob ko kapag kilala ko ang maiiwan dito kasama si Caryn.
Tumango ang mommy ni Harvey at ngumiti. Bukas daw ay ihahatid ng mommy ni Harvey ang katulong na mag-i-stay sa bahay nila. Pagkaalis ng pamilya ni Harvey ay buong pagmamahal siya nitong niyakap at kinintalan ng halik.
“Bakit hindi mo sinabi sa aking buntis ka na?” tanong nito.
“Gusto ko sanang sorpesahin ka sa nalalapit nating anniversary.” Nakangiti niyang sagot.
Kumunot ang noo nito at tumingin sa kanya na nagtatanong.
“Two weeks from now ay isang taon na simula ng pinasilong mo ako sa payong mo. Parang gusto ko yatang magtampo dahil nakaligtaan mo ang bagay na iyon.” Nakalabi niyang saad sa asawa niya.
“I’m sorry, sa dami ko na sigurong ginagawa kaya nakalimutan ko iyon, don’t worry I’ll punish myself for that,” sabi nito.
“At ano namang kaparusahan ang naiisip mong gawin para sa sarili mo?” Nakataas ang kilay na tanong niya dito.
“I will let you decide the name of our child!” nakangiti nitong sagot.
“Hindi parusa iyon, Mr. Mondragon.” Nakasimangot na saad niya rito.
“Para sa akin parusa na iyon, kasi sa dami ng naiisip kong magandang pangalan para sa anak natin ay ibibigay ko sa’yo ang prebilihiyong iyon.” Nakangising saad nito at maingat siyang kinarga at iniakyat sa kanilang kwarto.
PAGKABABA niya sa kotse ay mabilis niyang inalalayan ang kanyang pinakamamahal na asawa. Sa loob ng siyam na buwang pagbubuntis nito ay wala siyang ibang nararamdaman kundi ang kakaibang saya at excitement. Magiging ama na siya! Ilang tulog na lang at lalabas na ang kauna-unahang anghel sa buong angkan ng Mondragon!
“Sa tingin mo nandito na ba lahat sila?” tanong ni Caryn sa kanya na mahigpit ang hawak sa kamay niya.
Inalalayan niya itong umupo sa welchair na dala ng isang nurse, nasa hospital sila ngayon. Sinabihan sila ng doktor na mas makakabuting manatili na sa hospital dahil ilang araw na lang naman ang aantayin nila bago siya manganak.
“Whether they come or not, the hell I care. Ang mas importante sa akin ay ang kaligtasan mo at ni Baby Dixie,” sabi niya sa asawa.
Sinimangutan siya nito at balak pa sanang magsalita nang magsilitawan ang buong angkan ng Mondragon, maliban sa kanyang Kuya Dux na talagang kinarer ang paghahabol sa matalik na kaibigan ni Caryn. Nandoon rin ang kapatid nito at ang Tita nito. Lahat sila ay halatang excited at hindi na makapaghintay pa sa paglabas ng munting anghel sa sinapupunan ni Caryn.
“Bakit nakasimangot iyan, inaway mo na naman?” Nakataas ang noong tanong ni Jazmyn, ang bipolar niyang kapatid.
Umiling siya. “Sumimangot lang iyan nang makita kayo,” sagot niya.
“Harvey isa na lang, kapag hindi ka tumigil uuwi ako sa bahay at hindi ako magpapa-confine dito!” pagbabanta ng maganda niyang misis.
Napakamot siya sa ulo at lihim na nagbuntong-hininga. “I’m sorry, love, I’m just joking, ‘di ba, Jaz?”
Hindi siya pinansin ng kapatid at dumiretso sa asawa niya, at ito na ang tumulak sa welchair nito. Nakangisi namang tinignan siya ng iba pa niyang mga kapatid. Sa klase ng mga tingin nila ay alam niyang inaasar siya ng mga ito.
Hindi niya na lang pinansin ang mga mapang-asar nilang tingin at sumunod sa asawa niya. Hindi siya maiintindihan ng mga ito dahil hindi pa nila nararamdaman ang nararamdaman niya ngayon.
Pagkapasok niya sa loob ng kuwarto ay kinakausap na ito ng doktor at binibigyan ng ilang paraan para hindi ito masyadong mahirapan sa panganganak. Nilapitan niya ang asawa at hinawakan ang kamay nito, gusto niyang iparamdam dito na kahit anong mangyari ay hindi niya ito iiwan.
“Wala ba kayong balak umuwi?” naiiritang tanong ni Harvey nang makitang nagkukumpulan ang mga kapatid niya sa isang sulok. Limang araw na silang namamalagi sa hospital at maya maya na ang pananakit ng tiyan ni Caryn, ang mga magulang niya at ang tita ni Caryn ay nagsiuwi muna para mag asikaso ng pagkain nila samantalang ang mga babae at ang mga kapatid niyang lalaki ay nanatili, ayaw nilang palampasin ang paglabas ng pinakamamahal nilang pamangkin.
Maluwang ang kuwartong inukupahan nila para kay Caryn kaya naman kasya silang lahat doon, ngunit naririndi na siya sa ingay ng mga kapatid niya. Mas maingay pa ang mga ito sa dalawang babaeng kapatid nila.
“Hindi namin puwedeng iwan si Caryn na ikaw lang ang kasama, may pagka-tarantado este tuliro ka pa naman minsan,” sagot ni Elio na sinabayan pa ng nakakalokong ngisi.
“Get out,” mahinang sabi niya.
“Caryn, oh! Pinapalayas ako ni Harvey, gusto ko lang naman makita agad ang pamangkin ko.” Pagsusumbong nito kay Caryn na pinalungkot pa ang mukha.
“Ano bang problema mo? Mga kapatid mo sila kaya dapat magpasalamat ka sa kanila at sinasamahan tayo dito.” Nakasimangot na saad ni Caryn na binigyan pa siya ng matalim na tingin.
Ibinuka niya ang bibig para magsalita ngunit hindi iyon natuloy nang mapansin niya ang pagbabago ng mukha ni Caryn. Bigla itong namutla at napahawak sa tiyan.
“Harvey! Ah! Ang tiyan ko,” sigaw ni Caryn.
“Huh?” natatarantang lumapit siya dito at hinawakan ang tiyan nito. “Saan masakit?”
“What happen?” tanong ni Max na lumapit na din kasabay ng ibang mga kapatid nila.
“Manganganak na yata ako,” sabi nito sa pagitan ng pagdaing.
“Manganganak ka na?!” pag-uulit niya sa sinabi nito.
Napadaing na naman si Caryn na lalong nagpataranta sa kanya.
“Will you just calm down? Call the doctor!” inis na sigaw ni Jazmyn sa kanya.
“Yes, call the doctor! Hurry!” sigaw din ni Yaxmein na halatang natataranta na rin.
Kanya-kanyang kuha ng telepono ang mga kapatid niya at hindi mapakali kung hindi lang sumigaw sa sakit si Caryn ay hindi matatauhan ang mga ito at sabay-sabay na lumabas ng kuwarto para tawagin ang doktor.
“Harvey! Don’t leave me, stay here!” sigaw ulit ni Caryn ng palabas na siya ng kwarto.
Napahawak siya sa kanyang ulo at hindi alam kung ano ang uunahin. “Dumbasses, call the f*****g doctor!” sigaw niya sa mga kapatid niya at nagmamadali siyang lumapit dito.
“It’s okay, sweetheart, I’m here the doctor will be here soon.”
“Kuya calm down, hindi makakatulong ang pagkataranta mo sa kalagayan ni Ate,” malumanay na usal ni Kath.
Huminga siya ng malalim at humigpit ang hawak sa kamay ni Caryn, maya-maya lang ay nagmamadaling pumasok ang doktor at minanduhan ang ilang nurse na ilipat sa stretcher ang asawa niya.
“It’s time, please calm down. Everything will be alright,” nakangiting wika ng Doctor sa kanila.
Mabilis na inilipat si Caryn sa ER at dahil na din sa pagpupumilit niya ay hinayaan siyang manatili sa tabi ni Caryn sa loob ng ER. Sa loob ng halos isa’t kalahating oras ay hindi niya binitawan ang kamay ni Caryn, masuyo niya ding pinupunasan ang pawis na tumutulo sa noo nito.
“Come on, little angel, don’t make it hard for mommy,” saad ng Doctor na hinihimas ang tiyan ni Caryn.
“It’s coming!” sigaw ng Doctor. “Caryn I want you to breathe deep and push hardly okay? When I say push, you need to give everything you got!”
Tumango si Caryn at maging siyabay napatango, humigpit ang hawak niya sa kamay nito at inihanda ang sarili.
“Push!” sigaw ng Doctor.
Isang mahabang pag-ere ang ginawa ni Caryn hanggang sa makarinig sila nang munting boses na umiiyak. Hindi niya napigilang mapaluha nang makita ang munting anghel na umiiyak sa kamay ng doctor.
“It’s a healthy and cute young boy! Congratulations!” nakangiting saad ng doctor.
Nang ibigay sa kanya ang sanggol para kargahin ay hindi niya na napigilan pa ang maiyak, inilapit niya ang bata kay Caryn at masuyo itong hinagkan.
“I love you. I love you so much! Thank you for giving me this wonderful angel,” puno ng pagmamahal na usal niya.