CHAPTER 29 “Mr. Coleman, sorry for the delays but we are busy right now and we can’t just set a meeting for you. Mr. Mondragon has a lot on his tables and he doesn’t have time to sit and talk to you. Please understand us,” naiinis na wika niya sa kausap sa telepono. Pinakinggan niya ang sinasabi nito sa telepono at umirap. Ang hirap talagang kausapin ang mga pesteng Kano na ‘to! “I’ll call you once my Boss is ready to talk to you. Have a good day. Bye!” Mabilis niyang inilapag ang telepono sa mesa at minasahe ang kanyang sentido. “Tough calls?” tanong ni Dux na nasa harap niya lang at abala sa pagbabasa ng mga papeles. “Don’t mind me, focus on that,” sabi niya at isinandal ang likod sa upuan. Halos isang buwan na silang magkasama dito sa Amerika, unti-unti na nitong

