CHAPTER 7 NARAMDAMAN NI MAUREEN, ang pagbukas ng pinto ngunit nanatili siyang nakatalukbong at nakatalikod sa pintuan. Pagkatapos nang nangyari kanina ay ayaw na niyang makaharap ang binata. Nakakahiya! Napaghahalataan siyang mahina sa tukso at madaling utuin! ‘You’re beautiful, Maureen.’ Naalala niyang sambit ni Dux . ‘Damn it! Bakit ba kasi kailangan niyang ipaalam sa akin na maganda ako, e, matagal ko ng alam iyon. Psh!’ “The food is ready, come, let’s eat.” Pag-aaya nito sa kanya, subalit nanatili siya sa kinalalagyan niya. Nagkunwaring tulog at ‘di ito narinig. “I made your favorite pasta with fried ham as toppings, kapag hindi ka tumayo riyan. Kakainin ko lahat ito,” dagdag na wika nito. Nanlaki ang mga mata niya at napalunok. ‘Paano niya nalamang lutuin ang paborito kong

