CHAPTER 13 ‘Sa wakas!’ Sigaw ni Maureen sa kanyang isip nang sa wakas ay makalapag na ang eroplano sa airport. Agad niyang tinawagan si Warren at sinabing pababa na sila ni Dux. Sinulyapan niya ang kasama niya na nasa unahan, sa loob ng ilang oras na tinagal nilang magkasama sa loob ng eroplano ay naging tahimik ito at hindi siya kinulit. Ayaw niya namang magtanong dito dahil baka isipin nitong nanghihimasok na rin siya sa buhay nito. Kaya naman pala nitong manahimik at hindi siya pansinin, bakit hindi nito ginawa sa simula pa lang. O, ‘di naman kaya ay iniisip lang nito kung paano kakausapin ang ex-girlfriend nito na hanggang ngayon ay nanggugulo pa rin sa lalaki. Siguro iyon nga ang dahilan ng pananahimik nito, maaring hindi nito nagustuhan ang suhestiyon niya at nahihirapan it

