CHAPTER 9

1641 Words

CHAPTER 9 NANG MARAMDAMAN ni Dux ang malambot na mga labi ng dalaga ay mas lalong napatunayan niyang gusto niya ang dalaga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ninamnam ang pagkakataong iyon na sakop niya ang labi nito. Ilang sandal rin sila sa ganoong ayos hanggang sa naramdaman niya ang pagtulak ng dalaga sa kanya. Kung gugustuhin niya ay kayang-kaya niyang pigilan ito at hayaang magkadikit ang kanilang mga labi pero alam niyang kapag ginawa niya iyon ay mas lalong lalayo ang loob nito sa kanya. “Anong ginawa mo?!” galit na tanong nito sa kanya. Lihim siyang nagdiwang dahil kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkaalangan sa namagitan sa kanila. “I kissed you,” tipid na sagot niya “I know, stupid! Ang ibig kong sabihin bakit mo ‘ko hinalikan?” mataray nitong tanong sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD