KABANATA 36 Hindi nakahuma si Maureen sa sorang bilis ng pangyayari. Alas nuebe na ng gabi pero inaya pa rin siya ni Dux lumabas, hindi niya alam kung saan sila pupunta ngunit hinayaan na lamang ito. Huminto ang sasakyan nila pagkatapos ng mahigit tatlumpong minuto nilang biyahe. “Where are we?” tanong niya. “Close your eyes,” anito. Ipinilig niya ang kanyang ulo at kunot-noong tumingin dito. “Don’t tell me, magpapakasal na tayo ngayon din?” Tumawa ito at pinisil ang tungki ng ilong niya. “Actually, that was my plan but I don’t want to manipulate you. I will marry you until you said so.” “So, puwede kong ibalik ang singsing na ‘to sa’yo kapag sinabi kong hindi pa ako handa?” tanong niya. Nawala ang ngiti sa labi ni Dux at nagulat sa sinabi niya. Bumunghalit

