HANGGANG MAKARATING sila sa airport ay wala siyang imik, kahit nang pagbuksan siya nito ng pinto ay hindi man lang siya nagpasalamat. Sobrang inis siya sa ikinilos niKinuha niya ang bagahe niya at mauuna na sanang pumasok nang harangin siya nito. “Look, I’m sorry, it’s just that...” Huminga ito ng malalim at tumingin sa kanyang mga mata. “Nagseselos ako.” Hindi siya nakahuma sa diretsahang pag-amin ng binata. “Mr. Mondragon...” Wala siyang maapuhap na salita kaya hanggang sa pagtawag sa pangalan lang nito ang nagawa niyang bigkasin. Hindi siya sanay na may lalaking ganito ka-prangka sa pagsasabi nang nararamdaman nito, ngunit hindi naman niya sinabing aminin nito ang totoong nararamdaman nito sa kanya. Argh! Ang gulo! “Let’s go, and do me a favor, don’t talk to other guys when you’re

