CHAPTER 55 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA “Sa tagal ng panahong hindi ko siya binalikan, wala akong maisip na magandang dahilan. Hindi pa ako handang makipagkita muli kay Denver lalo pa't baka kasi hindi pa nabago ang tingin sa akin. Kaya lang nang nababasa ko sa mga status niya na parang may bago na ngang nagpapatibok sa puso niya kaya sabi ko no'n baka pwede na, baka nga nagbago na siya. Baka naturuan na niya ang puso niyang babae ang gusto niya. Ayaw ko nang makagulo pa sana kung may bago na nga siyang mahal pero paano si Angel? Gusto kong malaman kung nasaan ang babaeng minahal ko na inagaw niya." Huminga siya ng malalim. Pinagsaklob niya ang kaniya mga kamay saka siya tumingin sa malayo. Parang may inaalala. Hanggang sa may mapait na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. "Ngunit gi

