CHAPTER 94 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA “Alam kong pinupuslit niya sa Papa niya ang mga ginamit niya sa aking armas ngayon." Muli ko siyang pinagmasdan sa kahabag-habag niyang kalagayan. Gusto ko siyang tulungan. Hindi ko lang alam kung paano pero kailangan maitakas ko na siya. Inilibot ko ang paningin ko. Padilim na ang paligid. Humihina na rin ang ulan. Nang idinaan ko ang mga mata ko sa pintuan ay nagulat ako nang makita ko ang isang lalaki. Nakatayo sa may sinira kong pintuan kanina. Nakatingin sa amin ni L-jay. Nagimbal ako. Nagulat. "Nandito na siya! L-jay nasa pintuan na siya!" "Sino? Bumalik na si Denver! Oh my God! Please tumakas ka na! Bilis! Huwag mo na akong isipin muna dito!" nakita ko ang pagkabahala s

