CHAPTER 89 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA “Umalis ako ng gabing iyon. Dala ang hindi ko maipaliwanag na sakit ng pagkabigo. Kasabay ng pagpatak ng ulan ang aking luha. Kasabay na rin iyon ng tuluyan naming pagkakalayo. Hindi ko na siya malapitan muna noon, ni hindi ko na makausap. Ang tanging magawa ko ay pagmasdan siya mula sa malayo kasama ang maswerteng kapatid ko na hindi naman niya talaga mahal si Bunso.” Tumigil siya sa kanyang pagkukuwento at tinignan niya ako. "Hindi ko na kaya pa 'to. Ayaw ko nang makinig. Ikaw yung kaluluwang lalaking nakita ko nang gabing una akong dinala ni Denver sa Tanay at si Angel o Princess na sinasabi mo ay ang babaeng nagpapakita sa condo ko at sa bahay. Ang multong sumasama sa sasakyan ni L-jay, tama

