CHAPTER 57 THE KILLER LOVER JOEMAR ANCHETA "Okey na ako." Sagot ko. Itinungga ko ang tubig. Pakiramdam ko kasi tuyun-tuyo ang lalamunan ko dahil sa tindi ng emosyon ko. "Inilabas ko lang yung galit ko sa ginawa ninyo sa akin. Ayaw kong manakit L-jay. Ngunit sige makikinig pa ako. Handa na akong pakikinggan ang lahat ng sasabihin mo." Inilawan niya ang paligid. Parang may hinahanap. “Saan ka kumuha ng malamig na tubig?” “Sa bahay.” “Bahay? Ibig sabihin dito lang ang bahay ninyo?” “Yung nadaanan nating putting lumang bahay, iyon ang bahay ko. Bahay kung saan kami namalagi at nagbabakasyon noon si Denver.” “Oh my God! Hindi iyon bahay nina Angel?” “Hindi naman tiga dito si Angel.” “Ikaw? Ikaw ang sinasabi ni Denver na mahal na mahal niyang ex niya? Oh God!” "Ng

