Chapter 103 The Killer Lover Joemar Ancheta Kinabukasan no'n ay sinamahan ko ang mga pulis para kunin ang mga labi nina Vince at Angel kasama ang pamilya nito. Nang buksan nila ang sako ay nakita ko muli ang kalunus-lunos na nangyari sa kanila. Nabiyak ang bungo ni Angel na ayon sa mga pulis ay parang binagsakan daw ito ng malaking bato o matigas na bagay para mabasag ang bungo nito na siya niyang ikinamatay. Ganoon din ang nangyari kay Vince. Pinagkasya ni Denver ang katawan nina Vince at Angel sa pamamagitan ng pagchop-chop sa bangkay at isinilid ito sa pinagpatong-patong na sako saka niya ito ibinitin sa balon. Puti ang damit na suot ni Angel at Vice at iyon ang mga damit nang nagpakita sa akin sa talon. Si Angel nga ang nakita ko sa panaginip ko noong ginising ako para hindi ako ma

