HARVEY "What the hell are you doing Harvey? Bakit mo sinuntok si Victor? Ano ang pumasok sa utak mo para manuntok?" Galit at malakas na boses na saad ni Kuya Arvey sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot. Bigla kasi ang-init ang aking ulo sa nakita. Kanina ko pa talaga si Victor gustong suntukin ng makita ko siya kanina papasok sa mall na nakangiti at binigyan pa si Jing ng bulaklak. Sobrang selos ko sa nakita na masaya si Jing habang kausap si Victor. samantala ako parang allergy siya sa akin. Tinawag pa akong sir ang hindi niya alam Asawa niya ako. Gusto ko na talaga kanina na ipag-sigawan na Asawa ko siya kaya lang baka mas lalo pa siyang magalit at hindi na talaga ako patawarin o kausapin. Kaya grabi ang aking pagtitimpi ko sa aking sarili na hindi ko m

