THIRD PERSON Isang linggo pagtapos ang graduation ni Jing bumalik sila ng Pilipinas para sa kasal ni Remy at Jean. Hindi na rin nila pinag-usapan ang tungkol sa nangyari nuon sa restaurant. Hindi na rin hinayaan ni Esme na makalapit pa si Harvey kay Jing. Isang eroplano lang sila ngunit malayo sila sa isa't-isa. Kasama din si Sampaguita dahil hindi siya pweding iwan ni Harvey. Kahit nagtatampo ang mga magulang ni Harvey sa kanila. Wala naman silang magagawa kung si Sampaguita ang pakasalan ni Harvey. Dahil palagi nilang sinasabi na naka suporta lamang sila sa kanilang mga anak. Pagdating nila sa bahay kaagad na pumasok si Jing sa kanyang kwarto at hindi lumabas. Hindi kaya ni Jing na makita si Harvey at Sampaguita na magkasama. Palagi kasing nakahawak si Sampaguita sa braso ni Harvey. Ka

