CHAPTER 6

2246 Words
MAXINE’S POV          Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa amin ni Lucas. Ni sa panaginip ay hindi ko inaasahan na magiging boyfriend ko siya. Kaya walang pagsidlan ang kaligayahan ko ngayon, dahil boyfriend ko na ang lalaking matagal ko ng hinahangaan at pinapangarap.          Masaya kong pinagmamasdan ang maamong mukha ni Lucas, na hanggang ngayon ay natutulog pa rin nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.          Mabilis na dinampot ni Lucas ang kanyang cellphone at sinagot ang tumatawag sa kanya. “Hello, Pareng Denver, napatawag ka?” tanong ni Lucas sa tumatawag sa kanya. Ngumiti si Lucas at tumingin sa akin bago muling nagsalita. “Pareng Denver, magkita na lamang tayo mamaya sa gym. Ihahatid ko lang si Maxine sa dorm. Oo naman, kasama ko siya ngayon. Kaya huwag ka munang istorbo,’’ pagpapaalam ni Lucas sa kanyang kaibigan.         Nang matapos makipag-usap si Lucas sa kanyang kaibigan na si Denver ay masaya siyang tumingin sa akin. ‘’Babe, kanina ka pa ba gising?’’  tanong sa akin ni Lucas.         Ngumiti ako at tinitigan ko si Lucas. “Opo, kanina pa po ako gising,” tugon ko na may kasamang lambing.       “Halika nga dito.” Sabay hila sa akin ni Lucas at niyakap ako. ‘’Maxine, ito ang tatandaan mo. Mahal na mahal kita.’’ At hinalikan niya ako sa aking labi.         Napaluha ako nang dahil sa sinabi sa akin ni Lucas. Kung nanaginip man ako ngayon ay ayaw ko nang magising pa.         Pinahid ni Lucas ang mga luha ko gamit ang kanyang mga daliri. “Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa akin na may kasamang pag-aalala.        Sino ang ‘di mapapaiyak na narinig ko mula kay Lucas ang mga salitang matagal ko nang pinapangarap na marinig mula sa kanya. Sa tagal ng panahon na hinahangaan ko siya at hindi naman niya ako pinapansin ay hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng ito. Ang akala ko kagabi ay lasing lamang siya kaya niya nasabing mahal niya ako.       “Babe, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Kaya ka umiiyak?” muling tanong sa akin ni Lucas nang hindi ako magsalita.       Ngumiti ako at umiling. “Masaya lamang po ako. Kasi boyfriend na kita… Kahit pa ganito ang hitsura ko,” pagtatapat ko kay Lucas.       “Babe, alam ko. . .nasaktan kita kagabi, dahil sa mga sinabi ko. Pero ngayon. . .hindi na mahalaga ‘yon. Dahil nakilala na kita,” pahayag ni Lucas at muli niya akong niyakap.          Gusto ko na talagang sampalin ang aking sarili, upang magising sa napakasayang panaginip na ito. Kinurot ko ang aking sarili, ngunit nasaktan ako. Kaya naniniwala na akong totoo ang lahat ng ito. Pakiramdam ko tuloy, ay ako na ang pinakamasayang babae sa mundo.           “Babe, bakit mo ako nagustuhan?” tanong ko kay Lucas habang magkayakap kami.           “Tinatanong pa ba ‘yon? Siyempre. . .mabait ka, matalino, at siyempre maganda.’’ Ngumiti si Lucas. ‘’At higit sa lahat malinis kang babae,’’ seryosong sabi ni Lucas. ‘’Eh, ikaw? Anong nagustuhan mo sa akin?’’           Ngumiti ako. ‘’Siyempre, gwapo ka at may abs. Higit sa lahat. . .magaling ka pa sa basketball,’’ sabi ko.          ‘’Talaga? Magaling akong mag-basketball?’’ pilyong sabi ni Lucas at siniil niya ako nang halik sa aking labi.         Andito na naman po kami at muling nagsisimula na naman si Lucas na dalhin ako sa langit.         Naghahalikan kami nang biglang nag-alarm ang cellphone ko, dahilan upang maalala ko na simula na nga pala ng pag-re-review ko sa board para makakuha ng LET.        Kumalas ako sa pakikipaghalikan kay Lucas and I switch off my alarm clock.        Tumingin ako kay Lucas na halatang nainis sa pambibitin ko sa kanya. “Babe, kailangan na nating bumalik sa Quezon City. May klase ako ngayon,” wika ko.       Tumango si Lucas. “Okay! Ihahatid na kita. Pero. . . may utang ka sa akin.” Ngumiti siya nang pilyo at hinapit ako palapit sa kanya. “Dahil binitin mo na naman ako.” pilyong sabi ni Lucas and he slap my butt.        “Babe, hindi ko gustong panaktan ka ng puson. Pero. . .kailangan na talaga nating bumalik ng QC. And beside, I still feel soar,” pagtatapat ko.        “Sa una lang ‘yan! Sa susunod hindi na.” Sabay ngiti niya sa akin. ** **        Kasalukuyang nasa biyahe kami ni Lucas pabalik sa Quezon City nang biglang magsalita si Lucas. ‘’Babe, siyanga pala. . . pupuntahan na lamang kita sa room mo. After naming maglaro ng basketball nina Pareng Denver.’’        “Okay!” matipid kong tugon sa kanya.       Habang nasa biyahe kami ay iniisip kong tawagan ang kaibigan kong si Heather, dahil gusto kong ipaalam sa kanya na boyfriend ko na si Lucas. Ngunit alam kong pagsasabihan niya ako, dahil minsan na niyang nakaaway si Lucas nang dahil sa akin. At ang usapan lang naman naming magkakaibigan ay manlalandi ng lalaki. At hindi titihaya upang isuko ang bataan. Kaya nagdadalwang isip din akong sabihin kay Heather ang nangyari sa amin ni Lucas.          Hindi nagtagal ay nakarating na kami ni Lucas sa tapat ng dorm na tinutuluyan ko. Mabilis na bumaba si Lucas ng kanyang sasakyan at pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pintuan.          Ngumiti nang pilyo si Lucas. “P’wede ba akong humingi ng goodbye kiss?” tanong niya sa akin.         “Ilang goodbye kiss ba ang gusto mo?” pilya kong tanong.          “Ofcourse, hangga’t hindi ako satisfied,” biro sa akin ni Lucas at siniil na niya ako ng halik sa aking labi. “I love you,” sabi ni Lucas nang maghiwalay ang aming mga labi.           “I love you too,” mabilis kong tugon at pagkatapos ay tinulungan na niya akong bumaba ng kotse.            Napapangiwi ako habang naglalakad, dahil sa kirot na nararamdaman ko sa pag-itan ng aking mga hita. Napatawa ako nang maalala ko kung gaano kalaki ang alaga ni Lucas. Kaya wala dapat akong ipagtaka na masakit ang pribadong parte ng aking katawan, dahil sa laki nang pumasok dito. **    **          Maagang natapos ang aking klase, ngunit wala pa si Lucas. Kaya naman nagdesisyon na akong puntahan si Lucas sa gym. Beside, girlfriend na naman niya ako at may karapatan na  akong puntahan siya.           Nang makarating ako sa gym ay naglalaro pa rin sina Lucas at ang mga kaibigan niya. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot nang makita ko si Bianca at ang mga kaibigan nito.          “Pareng Lucas, mukang sinusundo ka na ng number two mo! O mas tamang sabihin ng past time mo!” sigaw ni Denver nang makita ako.           Tumingin sa akin si Lucas at galit na itinira ang bola. Hindi ko alam kung bakit biglang nagalit si Lucas nang makita ako. Kaya umupo na lamang ako sa isang tabi at pinanood silang maglaro.            Napaka-gwapo talaga ng boyfriend ko, kaya naman maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.            Nang matapos maglaro ng basketball sina Lucas ay nagdesisyon na akong lapitan siya. Inilabas ko ang aking panyo upang punasan siya nang pawis.            Tumingin si Lucas sa akin at galit na naglakad patungo sa direksyon ko. Kaya nagdesisyon na akong salubungin siya           "Babe, maaga kasing na—"            Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nagtawanan ang mga kaibigan ni Lucas. Samantalang si Lucas ay galit na nakatingin sa akin.           Nagulat ako nang galit na nagsalita si Lucas. "Maxine, p'wede ba?! Tigilan mo na ako! Walang tayo!" singhal sa akin ni Lucas nang salubungin ko siya pagkatapos niyang maglaro ng basketball at itinulak niya ako palayo sa kanya.           Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago si Lucas nang pakikitungo sa akin. Samantalang kagabi lamang ay isang matamis na pangako ang ibinigay niya sa akin. Sinabi niyang ako lamang ang babae sa buhay niya at wala nang iba. Pero ngayon tila ibang Lucas ang kaharap ko.          Naguguluhan ako sa ipinapakita sa akin ngayon ni Lucas, habang ang mga kaibigan niya ay nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako.          Hinabol ko si Lucas at niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "Lucas, may nagawa ba akong mali sa 'yo? Kaya nagagalit ka sa akin?" tanong ko habang umiiyak.          Buong college ko, wala akong pinagkaabalahan kung 'di ang pag-aaral ko. Ngayon lamang ako nagmahal at pumasok sa isang relasyon. Hindi nga ako makapaniwala na ang isang sikat na varsity player na katulad ni Lucas ay manliligaw sa katulad kong manang manamit at nerdy.         Hinawakan ni Lucas ang aking mga kamay at inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Galit siyang humarap sa akin at tinitigan ako nang madilim.            "Maxine, wala kang ginawang mali." Ngumiti siya na parang aso. "Dapat pa nga akong magpasalamat sa 'yo, dahil virgin ka. Nang dahil sa 'yo, nanalo ako sa pustahan naming magkakaibigan," seryosong sabi niya habang matalim ang mga matang nakatingin sa akin.            Pakiramdam ko tuloy ay para akong upos ng sigarilyo na unti-unti nang namamatay. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga bagay na ito.           "Pero, Lucas, 'di ba ang sabi mo sa akin kagabi. Ako lamang ang babae sa buhay mo at wala nang iba pa. Sinabi mo rin sa akin na mahal mo ako," sabi ko habang patuloy ako sa pag-iyak at naging dahilan upang lalo akong pagtawanan ng mga kaibigan ni Lucas.           "Pareng Lucas, sabihin mo na kasi kay Manang Maxine ang totoo, para hindi na humabol sa 'yo!" sigaw ni Denver, ang bestfriend ni Lucas.           Tumingin si Lucas sa kanyang mga kaibigan. "Mga pare, panoorin n'yo kung paano ko sasabihin sa babaeng ito ang totoo!" Sabay hawak niya sa mga braso ko at pinisil ito nang mahigpit. "Maxine, makinig ka sa akin! Lahat nang pinakita ko sa 'yo ay isang laro. Kapalit nang virginity mo...ang Chevrolet COPO Camaro Raicing Car ni Pareng Denver, sa madaling salita pinagpustahanan ka lang namin!" mga katagang binitiwan ni Lucas sa akin na unti-unting pumapatay sa puso ko.            Umiling ako, dahil ayaw kong maniwala sa mga sinasabi niya.          "Lucas, sabi mo mahal mo ako. Pero...bakit ngayon iba na ang sinasabi mo sa akin," sabi ko habang umiiyak.          Masakit sa akin ang mapahiya sa harap ng maraming tao. Pero kailangan kong magmakaawa kay Lucas, para aminin niya sa mga kaibigan niya ang tungkol sa aming dalawa.          Umiling si Lucas kasabay nang pagtagis ng kaniyang panga. "Maxine, HINDI kita mahal!" pahayag ni Lucas na sadyang idiniin ang salitang hindi. Ngumisi siya. "Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin. Sinong matinong lalaki ang magkakagusto sa katulad mong manang at nerd?!" muling pahayag ni Lucas na naging dahilan nang pagkagunaw ng mundo ko.          Pikit-mata akong tumingin kay Lucas. "So...lahat pala nang kabutihang ipinakita mo sa akin...ay isang pagkukunwari at bahagi ng pustahan n'yo!" Pinahid ko ang aking mga luha at isang malakas na sampal ang ibinigay ko kay Lucas. "Congratulations nga pala, dahil nanalo ka sa pustahan n'yo!" Sabay talikod ko sa kaniya at naglakad na ako papalayo mula kay Lucas, ang lalaking pumatay sa puso ko.          Napakatanga ko, dahil naniwala ako sa mga salita ng isang Lucas Buenaventura. Sino nga ba naman ang magkakagusto sa katulad kong manang manamit at mukang nerd.          Ngumiti ako nang pilit at inalis ko ang malaking salamin na suot ko sa aking mata. "Simula ngayon, patay na ang manang at nerd na Maxine!" Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ko ang grupo ni Lucas na masayang ibinibigay ang susi kay Lucas nang nasabing niyang raicing car kapalit nang pagkuha niya sa virginity ko. "Isinusumpa ko, darating ang araw na ikaw naman Lucas Buenaventura, ang maghahabol sa isang Maxine Dela Vega!"          Hindi ako makapaniwalang gagawin sa akin ni Lucas ito ang ipahiya ako sa harap ng maraming tao at harap-harapang sabihing pinagpustahanan lamang ako.          “Poor girl! Naniwala sa salita ng boyfriend ko.” Ngumiti na parang demonya si Bianca. ‘’Ang taas din naman kasi ng pangarap mong magkakagusto sa ‘yo si Lucas!’’ singhal sa akin ni Bianca at sinampal ako nang malakas. ‘’Masarap ba ang boyfriend ko?! Ilang beses kayong nagtalik para isipin mong may gusto siya sa ‘yo?!” muling tanong sa akin ni Bianca na may kasamang galit.          Hindi ako nagsalita, dahil kahit ako ay galit sa aking sarili, dahil umasa at naniwala ako sa salita ni Lucas.          “Bakit hindi ka makapagsalita?!” At muli akong sinampal ni Bianca.          Hindi ako lumalaban, dahil alam kong mali ako, kaya dapat lang na saktan ako nang tunay na nagmamay-ari kay Lucas.        Pinagkakaguluhan na kami ng mga kapwa ko estudyante ay hindi pa rin ako lumalaban kay Bianca. Hanggang sa tuluyan akong mapaupo sa semento at patuloy na pinagsasampal ni Bianca.        Lumapit sa amin sina Lucas at inawat nila si Bianca.       ‘’Bianca, enough!’’ awat ni Lucas kay Bianca.        ‘’Ako pa talaga ang a-awatin mo, Lucas?! Samantalang kayo ng babaeng ‘yan ang may kasalanan sa akin!” singhal ni Bianca kay Lucas. At iniwan na kami.        Samantalang naiwan sina Lucas at Denver, upang tulungan akong makatayo.        Kinuha ni Lucas ang kanyang panyo upang linisin ang bahid ng dugo sa may labi ko.        Pinalis ko ang kanyang kamay at galit ko siyang hinarap. “Hindi mo kailangang tulungan ako! Hindi mababawasan ang galit ko sa ‘yo sa pagtulong mo sa akin! Kaya iwan mo na ako!’’ singhal ko kay Lucas na ikinagulat niya.       Masakit man ang katawan ko ay pinili kong tumayo mag-isa at tumakbo na ako papalayo kay Lucas.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD