LUCAS’S POV Nandito kami ngayon na magkakaibigan sa canteen nang dumating si Maxine kasama ang classmate niya. Habang umo-order siya ng kanyang pagkain ay pasimple ko siyang kinunan ng picture. Natutuwa akong kunan siya ng picture gamit ang aking cellphone at siya rin ang naka-wallpaper dito. Nagtagis ang aking panga nang may dumating na lalaki at lapitan siya. Napatingin sa akin si Maxine at tila natakot sa madilim kong pagtitig sa kanya at sa lalaking kasama niya. Iniwas ni Maxine ang kanyang mga mata mula sa akin. Dahil sa pagseselos ko’y inaakala ni Maxine na galit ako sa kanya. Ngunit ang totoo’y nagmamahal ako ng lihim sa kanya. Tumayo ang lalaki. ‘‘Max, punta lang ako sa restroom,” pagpapaalam ng lalaki. Hindi na ako nag-aksaya ng oras para sundan ang lalaki. Bago pa lamang pap

