MAXINE'S POV
"Wow! Ang ganda naman dito sa ilog," sabi ni Lucas na halatang na mangha sa kaniyang nakitang; malinis na tubig ng ilog, dahil makikita mo ang mga bato nito sa ilalim. Pagkatapos ay may layon ang ilog, kung saan ito ang malalim at malawak na parte ng ilog na p'wede kang maglangoy.
"Hindi lang maganda dito. Kasi ang tubig ng ilog na 'yan...nagmula pa sa Bundok Banahaw, kaya malinis at malamig," pagmamalaki ko sa kanya.
Kumislap ang mga mata ni Lucas na halatang nagustuhan ang sinabi ko, kasabay ng kanyang pagngiti.
Tumingin sa akin si Lucas. "Talaga? Malamig ba ang tubig?" paniniguro niya in his seductive voice. "I can make you hot." Sabay hapit niya sa beywang ko palapit sa kanya.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang maumbok niyang p*********i. Hindi ako makapagsalita nang unti-unting nilalapit ni Lucas ang kanyang mukha sa akin. Pinagpapawisan ako nang malamig dahil ang isang kamay ni Lucas ay naglalakbay sa hita ko.
"I want you, Maxine," he said.
"Lu—Lucas, ano bang pinagsasabi mo?" nauutal kong tanong.
Isang ngiti ang pinakawalan ni Lucas bago niya sagutin ang aking tanong.
"Maxine, alam ko...hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Pe—"
Hindi na naituloy ni Lucas ang sasabihin niya nang may tumawag sa akin.
"Ate Maxine."
"Ate Maxine," sabay na tawag ng mga kapatid ko sa akin nang dumating sila dito sa ilog, kasama si Gilbert.
Mabilis kong pinalis ang mga kamay ni Lucas na nasa hita ko. Bakas naman sa mukha ni Lucas ang pagkadismaya niya nang dumating sina Justine at Jessica na kasama ang inaakala niyang manliligaw ko.
"Ate, maliligo pala kayo dito ni Kuya Lucas. Bakit hindi mo naman kami isinama? Mabuti na lang at inaya kami ni Gilbert na pumunta dito," wika ni Justine.
"Gusto ko lang ipasyal dito sa ilog si Lucas," pagdadahilan ko.
"Kuya Lucas, maalam ka bang lumangoy?" tanong ni Jessica kay Lucas.
"Oo naman, swimmer ata ang Kuya Lucas mo," masayang tugon ni Lucas sa aking kapatid na babae.
Napailing ako, dahil feeling closed na ang mokong sa mga kapatid ko. Kung nanaginip man ako ngayon, ay ayaw ko nang magising pa.
Nawala ang mga ngiti ni Lucas sa kanyang mga mata nang hilahin ako ni Gilbert paglubog sa tubig.
"s**t! Ang lamig!" sigaw ko habang hinahampas ko ang mga balikat ni Gilbert.
"Maxine, sarap ng tubig 'di ba? Alam ko na miss mo dito." Sabay kindat ni Gilbert sa akin at niyakap ako. "Bakla, ang gwapo ng papa mo! P'wede bang akin na lamang siya?" malanding sabi ni Gilbert sa akin.
"Umayos ka bakla! Bakit ba kayo pumunta dito? Alam n'yo bang istorbo lamang kayo!" sambit ko na may kasamang inis.
Nainis ako, dahil moment na sana namin ni Lucas kanina, pero dumating ang mga asungot na ito. Magtatapat na sana sa akin si Lucas, napurnada pa.
"Bakla, huwag ka nang mainis sa amin. Aalis din kami agad, kapag napagselos na natin ang Papa Lucas mo," maarteng pahayag ni Gilbert at maya-maya'y unti-unti na niyang inilalapit ang kaniyang mga mukha sa akin habang napapapikit. "Bakla, 'di ko ata kering halikan ka!" bulong niya.
Magsasalita pa sana ako nang biglang may humila sa akin palubog sa ilalim ng ilog.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang mukha ni Lucas na seryosong nakatingin sa akin. Halos maubusan naman ako ng hininga dito sa ilalim ng tubig, dahil hindi ako sanay magtagal sa tubig.
Aahon na sana ako sa tubig nang bigla akong hapitin ni Lucas palapit sa kanya, at unti-unting naglapat ang mga labi namin.
He kissed me gently and passionate, hanggang sa naramdaman ko na lamang ang sarili ko na gumaganti ng halik sa kanya. Ikinawit ko ang mga braso ko sa kanyang batok. Habang tumatagal ay nagiging mainit ang paghahalikan namin, hanggang sa lumitaw kami sa tubig ay naghahalikan pa rin kaming dalawa.
Maya-maya'y nakarinig ako na may nagsalita.
"Bakla, okay ka lang?" tanong sa akin ni Gilbert.
Hindi ko siya sinagot, sa halip ay hinaplos ko ang aking mga labi sa pag-aakalang totoo ang nangyari. Hinanap ng mga mata ko si Lucas, at nakita ko siyang naliligo sa layon. Ngayon ko lamang napansin na nasa mababaw lamang kami ng aking kaibigan.
"Gilbert, pupuntahan ko lang si Lucas," pagpapaalam ko sa aking kaibigan.
"Sige, at papuntahin mo na rin dito 'yong mga kapatid mo. At iuuwi ko na sila." Ngumiti siya nang pilya. "Nang matuloy na ang naudlot n'yong—"
"Tumigil ka nga sa sinasabi mo! Ibibigay ko lamang ang sarili ko, sa lalaking ihaharap ako sa altar. Dahil naniniwala pa rin ako sa kasabihang...virginity still the best gift to your husband. " At iniwan ko na si Gilbert upang puntahan sina Lucas.
Hindi naman ako makalapit kay Lucas dahil hindi ako sanay maglangoy sa malalim. Kaya nagdesisyon na lamang akong panoorin sila, habang tinuturuan niyang lumangoy si Jessica.
Madilim ang mga mata ni Lucas nang tumingin sa akin. Halatang may galit siya sa akin. Kasalanan 'to nang baklang 'yon, kung bakit galit na naman sa akin si Lucas.
Halos matuyo na ang suot ko nang umahon ang mga kapatid ko upang umuwi na sa bahay.
Hindi pa rin ako lumalapit kay Lucas nang maiwan kaming dalawa.
Maya-maya'y lumubog si Lucas sa tubig at hindi agad lumutang.
"Lucas, where are you?" paghahanap ko kay Lucas.
Natatakot na ako, dahil baka nalulunod na 'yon. Pero imposible na mangyari 'yon, dahil swimmer siya.
Kinakabahan na ako, hanggang sa lumitaw siya sa may paanan ko at hilahin ako palapit sa kaniya.
"Lucas, naman! Bakit mo ako tinatakot?!" inis kong tanong sa kaniya.
"Ikaw pa 'tong galit! But you flirting with that guy! Is he a good kisser than me?!" singhal niya sa akin.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa mga katagang binitawan niya. Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama. Kung alam lamang niya na siya ang nasa isip ko kanina, hindi niya ako pagsasalitan nang masakit.
"Tell me, Maxine, are you inlove with that guy?" seryosong tanong sa akin ni Lucas.
Umiling ako. "Hindi, Lucas, iba ang gusto ko. Pero may mahal siyang iba," pagtatapat ko na ang tinutukoy ko ay siya.
Kailangan ko nang pigilan ang aking sarili na mas mapalapit kay Lucas. Dahil walang kasiguraduhan ang ipinapakita niya sa akin ngayon.
"Then...who's that guy?" muling tanong sa akin ni Lucas.
"Huwag na natin siyang pag-usapan pa. Ang impor—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makaramdam ako nang paninigas sa aking binti dahilan para umiyak ako sa sakit.
"Maxine, what's wrong?" he asked.
"Lucas, masakit!" daing ko.
Napakunot naman ang noo ni Lucas dahil sa sinabi ko.
"Alin ang masakit? Wala pa nga akong ginagawa sa 'yo, nasasaktan ka na," tanong niya na may kasamang biro.
"Lucas, naninigas ang binti ko!" sigaw ko at yumakap na ako sa kanya.
Agad naman akong dinala ni Lucas sa tabi ng ilog at dahan-dahan niya akong ini-upo sa batuhan, pagkatapos ay minasahe niya ang binti kong naninigas.
"Pinupulikat ka," ani ni Lucas habang nakatitig sa binti ko.
"Sa—salamat, Lucas," nauutal kong sabi.
Hindi nagtagal ay nawala na rin ang paninigas ng binti ko. Ang mga kamay naman ni Lucas ah unti-unting naglalakbay patungo sa pinaka-iingatan kong hiyas.
Napapikit ako nang unti-unting ilapit ni Lucas ang kanyang mukha sa akin. Hanggang sa maramdam ko ang malambot niyang labi sa mga labi ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, hanggang sa namalayan ko na lamang ang aking sarili na gumaganti sa kanyang mga halik.
Ito ang unang pagkakataon na mahalikan ako ng isang lalaki at si Lucas pa.
Isang mainit na halik ang aming pinagsasaluhan ngayon ni Lucas. Natauhan naman ako nang biglang kumulog nang malakas. Agad kong itinulak si Lucas papalayo sa akin, na halata namang nainis dahil mukang nabitin sa gusto niyang gawin sa akin.
"Lucas, kailangan na nating umuwi ng bahay. Baka maabutan tayo ng malakas na ulan. Delikado dito kapag umulan nang malakas. Lumalaki ang tubig dito sa ilog," paliwanag ko sa kanya.
Tumango si Lucas at walang imik na hinawakan ako sa kamay at naglakad na kami pauwi sa bahay.
Isang desisyon ang nabuo sa isipan ko, bukas na bukas ay babalik na rin kami sa Manila. Gusto kong maging malinaw sa akin, kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Kung may gusto nga siya sa akin, i want to make sure na wala na sila ni Bianca.
***
Katulad nang sinabi ni Tatay Maximo ay nagkaroon nang kaunting salo-salo dito sa bahay. Nagulat naman ang pamilya ko nang magpaalam ako na babalik na kami sa Manila ni Lucas bukas na bukas din. Kahit si Lucas ay nagtaka kung bakit nagbago agad ang plano ko.
"Nagbago ba ang plano mo...dahil sa ginawa natin kanina?" seryosong tanong ni Lucas sa akin.
Tumingin ako kay Lucas. "Dahil ayaw kong masaktan sa huli, Lucas." Ngumiti ako nang pilit. "Oo, I admit...I'm inlove with you. Pero...ayaw kong masaktan, dahil alam kong may girlfriend ka. Kaya kung ano man ang plano mo sa akin, kalimutan mo na. Dahil ayaw kong dumating sa puntong masira ang tingin ko sa 'yo," pagtatapat ko sa kanya.
Kitang-kita sa mga mata ni Lucas ang pagkabigla.
Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.
Tumingin siya sa akin. "Kakausapin ko lamang si Pareng Denver," pagpapaalam niya sa akin.
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Lalapitan ko na sana ang mga kaibigan ko nang marinig ko ang mga katagang sinasabi ni Lucas sa kaniyang kaibigan.
"Pare, p'wede bang iba na lang. Mabait siya and I starting to—"
Hindi ko na itinuloy pakinggan ang sinasabi ni Lucas.
Habang kaumpok ko ang aking mga kaibigan dito sa probinsya ay nakita ko naman si Lucas na nakikipag-inom na sa aking Tatay Maximo at sa mga kumpare nito.
Ano pa bang aasahan ko sa aking ama. Ipinagmamalaki niya sa tao na kasintahan ko si Lucas. Habang si Lucas naman ay nakiki-ayon sa aking ama.
Lumipas ang oras ay natapos na rin ang kaunting salo-salo na ginawa ng aking ama para sa akin. Siyempre, tumba na naman sa inuman ang aking ama. Habang si Lucas ay lasing na rin. Kaya nang matapos kong simpanin ang mga pinagkainan ng mga tao ay inalalayan ko na si Lucas na pumunta sa tutulugan niya.
Lalabas na sana ako sa silid kung saan siya matutulog nang yakapin ako ni Lucas ang mahigpit.
"Lucas, kailangan ko nang lumabas. Baka magising si Tatay Maximo," bulong ko sa kanya.
Kumalas mula sa pagkakayakap niya sa akin si Lucas at tinitigan ako.
"Maxine, alam mo...galit ako sa 'yo noon. Kasi...probinsyana ka! Pero, ang totoo, andito ka." Sabay turo niya sa tapat ng kanyang puso. "Ma—"
Hindi na naituloy ni Lucas ang sasabihin niya nang sumubsob siya sa mga balikat ko at nakatulog.
Dahil malaking tao si Lucas ay hirapan akong ihiga siya sa kama. Kaya wala na akong nagawa na pati ako ay kasamang napahiga sa kutson at ang masama pa ay nakapatong siya sa akin. Hirapan akong makaalis mula sa pagkakapatong sa akin ni Lucas. Hanggang sa abutin na rin ako ng antok at makatulog.
***
Nagising ako sa malakas na tilaok ng manok at wala na rin si Lucas sa ibabaw ko. Nakita ko rin na ayos na ang kanyang mga gamit. May kirot akong naramdaman sa aking puso, dahil babalik na kami sa Manila at para putulin ko na rin ang kahibangan ko sa kanya.
Inayos ko ang aking sarili at nagdesisyon na lumabas ng silid. Nakita kong seryosong nag-uusap sina Lucas at Tatay Maximo habang parehong may iniinom na kape. Hindi ko na aalamin kung ano ang pinag-uusapan nila, basta buo na ang desisyon ko na iwasan si Lucas.
Quezon City, Metro Manila
Pagkalipas nang mahabang biyahe ay nakabalik na rin kami dito sa Diliman, Quezon City.
Tahimik na itinigil ni Lucas ang sasakyan sa tapat ng dorm ko. Pareho kaming walang imik.
Baba na sana ako nang bigla akong yakapin ni Lucas.
"Maxine, ma—ma—"
"Lucas, kung ano man ang sasabihin mo. Huwag mo nang ituloy," pagputol ko sasabihin niya sa akin at bumaba na ako ng sasakyan.
***
KINABUKASAN habang naglalakad ako dito sa school ay may nakasabay akong lalaki at saktong nakasalubong namin si Lucas at mga kaibigan niya.
Madilim akong tiningnan ni Lucas sa aking mga mata. Pagkatapos ay inihagis niya ang bolang hawak at iniwan ang kanyang mga kaibigan.
Gustuhin ko mang habulin si Lucas ngunit nanigas na ang mga tuhod ko, dahil dumating ang girlfriend ni Lucas na si Bianca at sinundan si Lucas.
Walang nakakaalam na kasama ko si Lucas na umuwi sa aming probinsya. Pati ang mga kaibigan ko ay walang alam na nakasama ko si Lucas.
Natauhan lamang ako nang tumunog ang cellphone ko.
"Hello, Ate Heat, napatawag ka," sabi ko nang sagutin ko kung sino ang tumatawag sa akin.
"Hey, Maxine, magkikita-kita tayo this Friday sa Zenclub," mabilis na tugon ni Heather mula sa kabilang linya.
"Oh, sige, darating ako."
"Okay, Maxine, bye!" Sabay putol niya sa kabilang linya.
Mabuti na rin ang makipagkita ako sa kanila, nang makalimutan ko ang nangyari sa amin ni Lucas sa probinsya.
***
Dumating ako sa usapan naming magkakaibigan dito Zenclub. Nagkatuwaan ring uminom ang mga kaibigan ko. Tanging ako lamang ang hindi umiinom sa aming anim. At habang lumalalim ang gabi ay mas lalong nagkakasayahan ang lahat. Si Heather ang unang nalasing sa kanila kaya naman nagwawala na ito sa dancefloor.
"Nandito pala si Lucas, Maxine!" ani ni Carly.
Napailing ako, dahil pumunta ako dito para makalimutan siya pero, andito rin pala ang mokong.
"Landiin mo kaya? This is your chance, girl," sabi ni Ariella na pinagtawan nilang lahat.
"Si Maxine pa ba ang aasahan mo d'yan? Baka si Sahara puwede pang lumandi ng lalaki dito," naiiling na wika ni Carly. Sa aming anim si Sahara at Heather ang malakas ang loob na gawin ang mga bagay na ganoon.
"Go, Maxine!" pambubuyo sa akin ni Sahara. "Ikaw rin, Ate Heat, akala mo ba hindi namin napapansin na kanina ka pa napapasulyap sa estrangherong 'yun?" Sabay turo ni Sahara sa isang lalaki na kanina pa sinusulyapan ni Heather.
"Wow, ako lang ba? Eh, ang lalaking 'yon? Don't tell me you're not attracted with him." tugon ni Heather.
Ngumiti si Sahara. "Let's do some dare!" muling sabi niya.
"Ayoko nga," pagtanggi ko.
"Ang KJ mo! For fun lang naman 'to. Sige na!" pagpilit sa akin ni Sahara.
"Ano 'yung dare?!" tanong ko na may kasamang inis. Naiinis na ako, dahil ayaw ko nang muling mapalapit kay Lucas. Pero ang kaibigan ko ay nakaisip naman ng dare.
"Eh, 'di lalapitan mo si Lucas at lalandiin mo," pilyang sagot ni Sahara sa akin.
"Tapos ikaw? 'Yung lalaking 'yun?" hamon naman ni Heather kay Sahara.
"Wait, para saan naman 'to?" inis ring tanong ni Bia na hindi rin pabor sa dare.
"C'mon... ni isa sa 'tin walang boyfriend, wala namang magagalit sa 'tin. A little kiss on the cheek won't hurt us. Ang boring ng mga lovelife natin," katwiran ni Sahara.
"Sige! Call ako d'yan. So, kanya-kanyang diskarte na tayo gano'n ba?" mabilis namang pagpayag ni Heather. Silang dalawa talaga ang nagkakasundo sa ganitong dare.
"Hay naku, ayoko. Uuwi na lang ako dahil ala una na ng madaling-araw," reklamo ko. Tatayo na sana ako nang bigla nila akong pigilan.
"Okay, sige. Sinuman ang aayaw, aakyat sa stage na 'yun at kakanta muna. Kaya mo?" hamon sa akin ni Sahara na biglang nagpabago sa desisyon ko. Tama sila, this is my chance na makausap ko si Lucas at nang malaman ko kung ano talaga ang intention niya sa akin.
Napatingin ako kay Biatriz nang magsalita siya.
"Ayokong kumanta. Lalapitan ko na lang si Pierho," natatawang wika ni Bia.
Nagkasundo kaming lahat na gagawin ang dare na makikipagkilala sa lalaking magustuhan. Although, nagkasama na kami ni Lucas at muntikan nang may mangyari ay wala pa ring alam ang mga kaibigan ko. Nang maiwan akong mag-isa ay napilitan akong uminom ng alak, upang magkaroon nang lakas ng loob na lapitan si Lucas at ang mga kaibigan niya.
"Lucas," tawag ko sa kanya.
Seryosong tumingin sa akin si Lucas at lumapit sa akin.
"Why?" Tumingin siya sa paligid. "Where's your boyfriend?" seryoso niyang tanong.
"Lucas, wala akong boyfriend," mabilis kong tugon.
"Pareng Lucas, if I we're you...kikilos na ako. Remember," sabi ni Denver at bumulong siya kay Lucas na hindi ko na narinig pa ang sinabi niya.
Tumango si Lucas at ininom ang brandy na hawak niya. Samantalang sina Denver ay iniwan na kami at hinagisan si Lucas ng card key.
"Ikaw na muna gumamit ng unit ko!" sigaw ni Denver.
Umiling si Lucas. "No need! Mas gusto ko sa unit ko," mabilis na tugon ni Lucas sa kanyang kaibigan. Tumingin sa akin si Lucas. "Maxine, ayaw ko na sanang gawin 'to. But I need too." Sabay hawak ni Lucas sa aking kamay at naglakad na kami palabas ng Zenclub.
"Lucas, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Lucas.
Ngumiti si Lucas. "Just get in the car, babe," utos sa akin ni Lucas na mabilis kong sinunod.
Habang tinatahak namin ang daan kung saan kami pupunta ay nagsalita si Lucas. "Why, Maxine? Why did you hurt me?" tanong niya sa akin.
Hindi ko alam ang pinagsasabi niya kaya hindi na muna ako nagsalita pa.