MAXINE’S POV Papunta kami ni Lucas ngayon sa Philippine Embassy, upang mag-asikaso para sa civil wedding naming na gaganapin mismo dito sa Philippine Embassy. Natawid kami ni Lucas ngayon sa harapan mismo ng embassy nang may magsalita. “Miss, your mobile,” sabi nang nakasalubong namin dahil nakita niyang nahulog ang aking cellphone. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa mga kamay ni Lucas. Habang siya’y tumigil upang hintayin ako. Nagmadali akong balikan ang aking cellphone upang pulutan ko sa gitna ng kalye. Mabilis kong dinampot ang aking cellphone. Kapupulot ko pa lang sa aking cellphone nang may bumundol sa akin dahilan upang bumgsak ako sa lupa. “Babe!” narinig kong sigaw ni Lucas bago tulu

