MAXINE’S POV “Miss dela Vega, your fiancé had a brain tumor,” pahayag ng doctor na halos ikabingi ko. “Are you sure, Doc?” paniniguro ko. Tumango ang doctor at muling nagsalita. “Kinakailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon.” Hindi ako nakapagsalita, dahlia ang alam ko mas delikado kapag inopera ang cancer, pero si Gabriel pa rin ang magdedesisyon kung magpapaopera siya at hindi ako. Bakit sa dinamirami ng magiging sakit ni Gabriel ay bakit ito pang mahirap gamutin at bihira lang ang nakakaligtas. Tumulo ang aking luha dahil hindi ko p’wedeng iwan si Gabriel sa ganitong sitwasyon, pero nangako ako kay Lucas na sasama na kaming mag-ina sa kanya. ‘Bakit kailangan kong maipit sa isang sitwasyon?’

