MAXINE’S POV “Hey, Max, bakit ka nawala kagabi? Nakita kita kasama mo si Lucas na lumabas ng bar. After mong magpaka-wild sa dance floor!” malanding sabi ni Faith na narinig ni Trixie. “Talaga? Kasama mo si Lucas kagabi?” paniniguro ni Trixie na halatang kinikilig. Tinitigan ako ni Trixie. “Saan kayo nagpunta kagabi, Max? May nangyari ba sa inyo?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. Hindi agada ko nakapagsalita, dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila na si Lucas ang lalaking sinasabi ko sa kanila na nanakit sa aking puso. Kung bakit hanggang ngayo’y hindi ko magawang makipag relasyon kay relasyon kay Gabriel, dahil takot na akong masaktan. Tumingin ako sa kanila at nagsimula na akong magk’wento.

