MAXINE’S POV Pagkatapos namin na mag-videoke ni Lucas ay nagdesisyon kaming pumunta sa Mount Faber Peak, upang e-explore ang pagsakay sa cable car, at nang makita namin ang kagandahan ng buong Sentosa at ng City. Nakapila si Lucas sa ticket book nang may lumapit sa akin na itik at tumayo sa tabi ko. Hindi ko pinansin ang itik, ngunit nagulat ako nang makita kong nag-picture siya na kasama ako, dahilan upang mainis ako. “Hey! Why are you taking picture with me?!” galit kong tanong. Ngumiti ang lalaki. “Because your pretty and I want you come with me. And I give you money,” diretsong paliwanag ng lalaki na mas lalo kong ikinagalit, dahil pinagkamalan pa akong nagpapabayad. “You delete my picture! Or else I will call the polic

