MAXINE’S POV Manila, Philippines Pagkatapos nang tatlong oras na biyahe sa himpapawid ay nakarating na rin kami nang Pilipinas. May kaba ako sa aking dibdib habang lumalabas kami ng airport, dahil ano mang oras ay p’wedeng mabago ang tahimik kong buhay. Hangga’t maari ay ayokong magkrus o magkita kaming muli ni Lucas. Lalong lumakas ang t***k ng aking puso nang tuluyan na kaming nakalabas ng airport. “Are you okay?” tanong sa akin ni Gabriel nang mahalata niya akong kinakabahan at tahimik, habang sila ng aking anak ay sobrang excited sa pamamasyal dito sa Manila. Ngumiti ako nang pilit. “I’m okay,” matipid kong tugon. Ngunit ang totoo’y kinakabahan talaga ako sap ag-uwi namin. Habang naghihintay kami ng aming sundo ay napa

