LUCAS’S POV Nagpalipas kami ng gabi dito sa may Candelaria, dahil madilim na at umuulan ay nagpasya silang tumigil muna kami dito. At kinabukasan na raw kami tutuloy sa aming biyahe. KINABUKASAN ay nagising ako sa ingay ng tilaok ng mga manok sa paligid. At ang isang lalaki ay nakita kong dumating na may bitbit na kape at isang balot ng tinapay. Tumingin sa akin ang isang lalaki. ‘‘Magkape ka muna. At pagtiyagaan mom una ‘yang mainit na pandesal. Upang magkalaman ang ‘yong sikmura. Dahil bilin sa amin ni boss na huwag na huwag kang gugutumin,’’ sabi ng isang lalaki. Tumango ako at tinanggap mo ang mainit na kape at pandesal. Hindi naman ito ang unang pagkakataon ko na kakain ng pandesal. Dahil kapag binibisita ko sina Tatay Maximo’y pina

