Naghahanap kami ni Nisha ng mapapasukang part time na trabaho. Pero ang nakita namin ay isang paluging coffee shop na nais ibenta ng may-ari. Kompleto sa mga kagamitan at malaki ang space sa cooking area. Hindi nga lang maganda dahil mukhang napabayaan ang maintainance. Tinawagan ko kaagad si kuya Adrian para humingi ng tulong. Sa kanya ako uutang ng pera at ibabalik ko ito naman ito kasama ang tubo.
Pinadala ko sa kanya ang video sa coffee shop na nais naming bilhin. Agad naman siyang nagpadala ng pera sa aking account. Kaya nabili namin kaagad ang shop at naitransfer kaagad sa pangalan namin ni Nisha. Bilang architect agad kong binago ang design into a high class.
Ang pinagkaiba namin ni Nisha siya pag-aaralan palang ang architecture course. Magaling naman siya sa desinyo pero pero may kulang pa. Ako since pagkabata naiipon ko na ang mga designs ko. Kung ano ang nasa isip ko agad kong ginagawa sa laptop at sini-save ito.
Habang nag-aaral ay patuloy parin naming minomonitor ang shop. Hindi naman mawawala ang makulit na Gian at madalas nakabuntot at kung anu-ano ang dinadala sa unit namin. Minsan naiinis na ako sa presensya niya. Hindi namin ipapaalam na kami ang may-ari ng coffee shop. Kapag tapos na ito sa sisimulan na namin ang pagtatrabaho sasabihin lang namin na nag-part time job kami.
Ang kagandahan ng coffee shop na nabili namin ay may malawak na space din sa itaas. Pinagawaan namin ng mini automatic elevator mula kusina hanggang second floor para madala ang order ng customer papuntang second floor na hindi mahihirapan ang taga serve para umakyat pataas at pababa.
Anak ako ng isang chef kaya magaling din ako sa larangan ng pagluluto. Pero focus ako sa pastries mga kakaibang design ang gusto kong gawin. Dito ko gagamitin ang aking mga nakatagong idea. Architecture pastries ang tema ng mga menu. We hired six employees muna sa agency at dalawa sa kanila ang pastries chef.
Kami ang magbabayad sa kanilang renta sa apartment. Ginawan ko ng paraan kung paano sila makapag stay ng maayos sa isang lugar with their own privacy. Malamang ang room na kinuha namin para sa kanila. Double deck ang bed pero nilagyan ko ng soundproofing barriers para makapag-usap sila with privacy. After nilang makausap ang kung sino man ang kakausapin nila pwedi na nilang buksan ang barrier.
Nakakamangha ba? ayokong mag-aaway kayo dahil maingay ang kasama ninyo sa kwarto. Maging magkakampo kayo dahil nandito kayo sa ibang bansa. Ginawa ko yan para sa privacy ng bawat isa sa inyo.
“Wow ma'am Gracey ang galing naman ng mindset ninyo.”
Naku chef Melma Antiporta huwag mo naman akong mammamin hindi po ako teacher. Can we call Ate Melma nalang para close na tayo.
“Sure agree ako dyan,” sagot naman ng chef namin.
Pakiusap lang namin sa inyong lahat huwag ninyong ipaalam kahit kanino na kami ang nagmamay-ari ng coffee shop. Gusto namin ipaalam sa lahat na empleyado din kami kagaya ninyo.
“Hala bakit ganun?” tanong ni ate Melma.
“Ate, kayo po ni chef Yan-Yan ang may-ari ng coffee shop at kami po ay part time worker ninyo,”nisha said.
“Hala pansamantala kaming may-ari ng shop? Ang galing naman, sa panaginip ko lang iniimagine ang ganitong papel sa buhay ko. Tapos matutupad kahit hirap lang sandali.” komento naman ni Chef Geraldine Romanillos.
Huwag kanang kiligin masyado ate Yan-Yan baka masunog ang lulutuin mo. Kilig na kilig sa role niya eh hahaha.
~ooo0ooo~
“Ano itong nabalitaan ko na nagtatrabaho kayo sa isang coffee shop?” pagalit na tanong ni Lolo Gian.
Ang lakas ng hearing aids mo narinig mo kaagad ang balita. Hindi naman namin ina-upload sa socmed ang pag-a-apply namin ng trabaho ah.
“Huwag mo akong daanin sa katarayan mo Gracey. Paano kung maaapektuhan ang pag-aaral ninyo sa trabaho na yan. Imbis na magpahinga kayo sa mga libre ninyong oras napapagod pa kayo,” ang galing manermon.
Nagtatrabaho kami para mag pangtustos kami sa pag-aaral namin. Gusto namin na makapagtapos sa sarili naming sikap. Mas nagtatagumpay kasi ang mga estudyante na nagmula sa kahirapan dahil naiintindihan nila ang halaga ng bawat pagod at hirap para makamtan ang ninais nila.
“Hep hep help ...nag-aaway ba kayo? Para kayong magjowa na nagbabangayan dyan eh,” Nisha said.
Jowa my foot ang epal ni Caloy daig pa ang tatay kung manermon. Nagsalubong ang kilay niya. Malamang dahil tinawag ko siyang Caloy. Si Nisha naman ay humagikhik, nang-aasar pa.
“What do you call me?” he asked.
Caloy, gusto mo dagdagan ko pa? Goyong Caloy. Si Nisha humagalpak na ng tawa.
“Really? Your impossible Gracey,” he frustratedly said.
Alin ang impossible dun? Nagawan ko na ng istraktura ang palayaw mo.
Ufffff sakit mo sa bangs, makatulog na nga. Naglakad na ako patungo sa kwarto ko. Tinanggal ko ang aking salamin sa mata at inilapag sa side table na may lampshade. Nagulat nalang ako na nilock ang pinto.
Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Allowed kalang sa sala pero sa kwarto namin trespassing kana.
“Why did you call me Goyong Caloy? Ganun na ba talaga ako kapangit sa paningin mo hmm?” Hoy, diyan kalang Go-G-gian huwag kang lumapit sa akin.
“Ang ganda ng mga mata mo Gracey pero tinatago mo lang sa likod ng makapal na salamin,” he said habang patuloy parin na lumalapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko. Pero wrong moves na ang pag atras ko dahil nabuwal na ako pahiga sa kama. Ang masaklap kasama si Goyong at nakadagan pa sa akin. Napurnada ang sigaw ko ng bigla niya akong halikan sa aking labi. Dilat na dilat ang mata kong nakatingin sa kanya. Sh*t ang first kiss ko ninakaw ni Goyong. He move his lips slowly at mas lalong na shock ako. Naiyak ako kasi nawala ang lakas ko para itulak si Goyong.
Natauhan yata at biglang bumangon. Pinabangon din niya ako at saka niyapos ng mahigpit. I'm sorry my Gracey, I'm really sorry sweetie. Nadala lang ako, ilang gabi mo na kasi akong hindi pinapatulog. Kailangan ko na yatang magparesita ng sleeping pills para makatulog. Napapagod ako sa kakatingin sa'yo habang kakatakbo mo sa isip ko. Nakapikit nga ang mga mata ko, dilat na dilat naman ang diwa ko,” mahabang litanya niya.
“I'm sorry na please, sampalin mo ako okay lang basta mapatawad mo lang ako sa kapangahasan na ginawa ko sa'yo ngayon,” Kinuha niya ang mga kamay ko at pinagsasampal sa mukha niya. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya. Nang matauhan din ako saka ko lang hinila ang mga kamay ko.
Anong ginagawa mo? Namula na ang pisngi niya, kitang-kita dahil pang K-pop kasi ang mukha ni. “I'm sorry Gracey please forgive me,” he said. Bwesit kang Goyong ka magnanakaw ka ng halik. Lumabas kana nga dito sa kwarto ko bwesit.
“Lalabas ako kapag pinayagan mo akong ligawan ka. O lalabas lang ako kapag sinagot mo na ako. Lalabas lang ako kapag sinabi mong tayo na,” baliw niyang sabi.
Kwarto ko ito pero ikaw itong naging demanding. Gusto mo kamuhian kita ng tuluyan? Ikaw pa itong magnanakaw ng halik tapos ikaw pa itong magde-demand? Lumabas kana ngayon din kung ayaw mong pagsisipain kita palabas.
“Sweetie please, payagan mo na akong ligawan ka. Look at my eyes Gracey at sabihin mo na pumayag kana,” demanding na Goyong talaga.
Sige pinayagan na kita, ligaw lang huh pero huwag kang parang langaw na buntot ng buntot sa akin. Magfocus ka sa pag-aaral mo, hindi ang bwesitin ako.
“Thank you sweetie,”
Ano ba bakit nanghahalik kana naman?
“Hmmm sorry nadala lang sa emotion.”
Para-paraan rin yang kapusukan mo eh.
“Huwag mo na kayang suutin iyang makapal mong eyeglass. Wala naman sigurong problema ang mga mata mo para magsuot ng ganyan. Mas lalo kang gaganda kapag hindi yan nakaharang sa mga mata mo,”komento pa niya.
Ano ba ang problema mo sa eyeglass ko? Hindi ka naman nyan inaano ah. At saka illiterate yan.
“What?”
Sabi ko illiterate yan walang grado. Harang ko lang yan para hindi ako magka pulikat sa mata.
“You mean eye spasms?" he confirmed.
Pulikat lang eh eninglish mo pa.
“Bakit ba palagi kang nakayuko dyan? Hanggang ngayon ba naiilang ka parin sa akin? Ganun na ba talaga ako kagwapo sa paningin mo at hindi mo kayang titigan? Maging tayo nalang kaya para maging komportable kana na kasama ako. Pwedi ba sweetie tayo na,”lakas na tama nya.
Napaangat akong bigla at mataman siyang tinitigan. Naka-drugs ka ba? Ang lakas kasi ng tama mo. Ilang minuto palang ang nakaraan pahintulot ng panliligaw lang ang hinihingi mo. Ngayon naman magiging tayo na ang hiling mo. Aba Goyong lumabas kana at lumayas baka mamayang kunti ano pa ang hihilingin mo. Tayo na-- “Yes!!! wala ng bawian huh! Sinagot mo na ako sabi mo tayo na,” biglang nagtatalon ang luko.
Hoy! Luko ka ah pinapatayo lang naman kita para paalisin dito sa kwarto ko. Paano kita sinagot na tayo na. “Oh see!
Inulit mo na tayo na, so confirm na talaga. Halaka ipapaalam na natin kay Nisha na tayo na,” he pulled me out of my room.
Naluko na, anong klaseng tao ba itong na encounter ko. Ganito ba kabaliw ang isang Guerrero?
“Nisha, nisha where are you?,” he shouted. Nambubulabog ng kapitbahay ang Lolo nyo.
“Oh anong nangyari sa inyong dalawa kuya Gian? Tamang-tama magdi-dinner na tayo umupo na kayo.”
“Nisha listen, kami na ng best friend mo. Sinagot na niya ako, so officially we're in a relationship effectively tonight,” pagmamayabang pa niya sa kasinungalingan. Namutla naman ako habang sinasalubong ang tingin ni Nisha. Bahagya pa akong umiiling-iling.
“May lagnat kaba kuya Gian? Mukhang dinadaan mo sa santong paspasan itong kaibigan ko ah. Paano naging kayo sa isang mailap na yan,” depensa ni Nisha sa akin.
Umupo ako sa upuan sa may hapagkainan at napahilamos ng mukha. He's unbelievable para i-corner ako sa isang situation.
“Alam mo kuya Gian, mukhang nalipasan kalang ng gutom kaya nag-ha hallucinate ka. Kumain kana dyan para makauwi kana sa bahay mo,” Nisha said.
Blanko ang isip ko habang kumakain na haponan. Kung seryoso ang tyanak na ito tiyak mapatay ako ng mga kuya ko kapag nalaman nila. My ghush! Sixteen palang ako para lumandi.
“Eat up sweetie huwag mong murderin ang adobong manok,” Gian said.
Giatayyyyyyyyy Ka Goyong.........