I was in the middle of walking home when I received a message from Vera. I chuckled because of happiness. Veronica: Fuck you, Silene!!!! Natawa ako sa mensahe niya. Agad naman akong nagtipa ng isasagot sa kanya. Me: HAHAHAHAHA we'll talk after I get home Binulsa ko ang cellphone habang hindi matago ang tuwa dahil sa wakas ay makakapag usap na kami ulit. Marami akong gustong ikuwento sa kanila. Sa sobrang dami ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Mukhang ang isang araw ay hindi sapat para malaman nila kung ano ang mga nangyari saakin sa buong halos dalawang taon kong pananatili dito. Pagkauwi ko ay nagpahinga lang ako saglit bago mabilisang naligo. Lumabas ako ng kwarto para kunin ang natira kong pagkain kaninang umagahan para kainin ngayon dahil tinatamad na akong magluto

