"Pababa na ako, teka" I said to Vera. Mag aalas singko palang ng umaga at nasa ibaba na raw sila at ako nalang ang hinihintay. Sinarado ko agad ang pinto bago pinindot ang down button ng elevator. Rinig ko ang paghikab niya at boses nila Helene. "Pababa na raw siya, wait" Sabi ni Vera sa kanila. Binaba ko agad ang tawag pagkababa ng elevator sa palapag ng unit ko. Pagkapasok ko ay sumandal ako sa malamig na dingding habang papikit pikit pa ako dahil sa kaantukan. Paglabas ko ng elevator ay nakita ko agad sila. Nasa labas si Vera at hawak ang cellphone. Si Helene ay nasa trunk at may inaayos. Hindi ko makita si Dahlia at baka nasa loob ng sasakyan. "Sino magmamaneho?" Salubong ko sa kanila. Agad lumingon si Vera saakin at dumiretso naman ako sa trunk para ilagay ang gamit ko. "Para ta

