"Ate!" Then she knocked on the door. "Ano ba!?" Sigaw ko pabalik habang abala sa ginagawa kong pag ayos sa sarili ko. Kanina pa ako hindi matigil sa pag ayos ng damit ko habang nakatingin sa malaking salamin. "Aalis na raw. Bakit hindi ka pa nababa?" She yelled. Napabuntong hininga nalang ako bago pinasadahan pa muli ng tingin ang hitsura ko bago kinuha ang cellphone sa ibabaw ng kama at binuksan ang pinto. When I opened the door, her brows were furrowed before walking away. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit ganon siya makatingin saakin. Humanda ka saakin mamaya, akala mo ah. Abala lang ako sa pag scroll at refresh sa cellphone ko habang nasa loob na kami ng sasakyan at papunta na kila Russel. Hindi alam nila Vera at ayaw ko naman ipaalam dahil baka may masabi p

