Maaga palang ay naglalakad na kami papunta kila Ate Delia. Medyo may kalayuan pala sa kanila pero hindi ako nagreklamo dahil parang nag morning walk rin kami. May iilang pampublikong sasakyan ang dumadaan kaya nasa gilid kami. Ilang minuto pa ang nilakad namin bago kami nakarating. Sinalubong pa kami ni Ate Delia na nagdidilig ng kaniyang mga halaman. I remembered my mother. "Uy, hindi ko alam na bibisita pala kayo. Hindi tuloy ako nakapaghanda agad," Ate Delia said. Russel chuckled. "Ayos lang po. Gusto ko lang rin po ibisita ang girlfriend ko dito," Napatingin si Ate Delia saakin kaya ngumiti ako. Tinignan ko ang paligid at puro puno at halaman. May nakita pa ako na iilang manok sa gilid. Nasa loob na kami at nakaupo lang ako sa pahabang upuan na yari sa kawayan. The place was a li

