PALABAS si Olivia ng banyo nang mamataan niya si Dianna na may bitbit ng mga bulaklak. Mukhang nahihirapan ito sa pagdadala. Hindi niya alam ang uri ng mga iyon pero batid niyang mababango ang mga iyon. Tinawag niya ito kapagkuwan. Tumigil naman ito at bumaling sa kanya. “Oh, Miss. Olivia, are you done with your work?” She asked. Napakamot siya ng ulo. Kung work ngang matatawag ang training nang paglilinis ng banyo ay marahil nga. Katatapos niya lamang mag-kuskos ng inidoro. Na-assigned siya sa floor nila Gaurish. Malinis ang banyo sapagkat hindi naman balahura gumamit ang mga nagtatrabaho rito. “Tapos na. Siyanga pala, mukhang maraming bulaklak ‘yan ah. Saan ba ang lamay?” pagtukoy niya sa hawak nito. Malakas itong tumawa, malayo sa seryoso nitong itsura. “Sa opisina ni Mr. Del Fred

