AS in dito talaga ako matutulog sa bahay niyo?” Alanganin ang pakiramdam ni Olivia. Ngayon lang napiga sa utak niya na sa bahay siya ni Gaurish matutulog. Papasok na sila ngayon sa penthouse nito. “Why? You didn’t like it? You should feel honor that you will stay here in my place. Wala ka nang pupuntahan,” supla naman ni Gaurish sa kanya na noo’y naghuhubad ng necktie. Nasapo niya ang bibig. “Hindi mo naiintindihan. Iniisip ko lang ang kapakanan mo. Babae ako at lalaki ka naman. Baka may gagawin akong masama sa’yo sige ka, ikaw rin.” Kunwa’y banta niya rito pero ang totoo naman talaga, siya ang natatakot na baka maisuko niya ang kabibe ni Inday. Marupok pa naman siya sa mga gwapong tulad nito. Napahinto ito sa pagkalas ng kurbada. Kumurba ang sulok ng labi nito. “Kung iniisip mo’ng ma

