Chapter 32 Point of View: Nixon Peter Gord Matapos kong mapanood ang laban ni Ellaine ay bigla akong nabuhayan. Para bang nang mapanood ko ang laban niya ay nagkaroon ako ng motibo para paghusayan din? Hindi lamang siya ang nag-ensayo para rito. Nag-ensayo rin kami ni Andrea upang maging mas malakas pa. Hindi kami tumitigil kahit na noong hindi pa namin nalalaman ang mangyayari sa hinaharap. Nang ako na ang sumunod ay hinarap ko ang makakalaban ko. Isang pulang dragon! Pagkalabas pa lamang niya sa hawla niya ay agad niya na akong sinugod ng apoy niya. This is really a good match for me, huh? Gamit ang kanang kamay ko ay itinaas ko ang mga tubig na pumapalibot sa arena. Para iyong mga galamay ng octopus kung gumalaw. Inihampas ko ang mga iyon sa mga apoy na pinatatama niya sa akin. Na

