Chapter 28 Point of View: Leighton Era Xi Puro training lang ang ginagawa ko sa mga sumunod na araw at hindi ko ininda ang pagod. Sabi ni kuya Coen ay kulang ako sa cardio kaya naman paghuhusayan ko. Kung saan ako mahina, iyon ang pinagtuunan ko ng pansin at pinalakas ko. Isa pa itong liksi ko. Masyado akong mabagal para sa isang Zodiac. Papatunayan ko sa kanya na hindi lang ako aasa sa kanya at sa mga kuya namin. Pinapanood lang nila ako sa ginagawa ko. Para bang napagod na rin sila sa paulit ulit na ginagawa namin kaya naupo na lang at nanood. Kung dati 'pag sinusuntok ko ang puno nag kakaron lang ito ng bilog pero ngayon isang suntok ko palang tumutuwad na ang isang puno. Para bang may kung anong malakas na enerhiya ang dadaloy sa kamao ko kasabay ng pagsuntok ko. Kaya nga lang

