Julianna's P.O.V. Nandito na ako sa labas ng Padilla Enterprise. Naghihinaty ng taxi para makapunta na sa screening ko sa Posadas Company. Maaga kong tinapos ang mga ginagawa ko kanina sa trabaho ko kay Sir Danleigh. Nakapag paalam na rin naman ako sa kaniya. "Hi Julianna," bati ng katabi ko na si Syd. Napatango naman ako sa kaniya. "Hi," balik na bati ko. Kanina ko pala siya katabi at ngayon lang napansin dahil sa mga iniisip. Naiwan yata ang utak ko sa dalawang tao kanina sa loob ng building. Sa Katherine na iyon at sa boss ko. Siguro nga ay seryoso ang kainilang realasyon. Matagl na rin magkakilala. Noong nakita ko pa lang sila sa mall na magkasama ay malakas na ang pakiramdam ko na iba ang babaeng iyon. Ano bang meron siya na wala ako? Morena siya at mestisa ako. Ano nga ba ang

