Chapter 1: New work

1358 Words
Julianna's P.O.V. Naglalakad na ako sa daan. Ngayon na kasi ako maghahanap ng trbaho. Hindi ko pa rin ginamit ang kotse ko dahil sa parehong dahilan katulad kahapon. Nagtitipid pa rin. Saka ko na iyon gagamitin kapag may income na ako. Na isip ko naman ang best friend kong si Jana. Nag send siya ng encouraging words sa akin kanina bago ako umalis at rumapa sa daan. Magkaklase kami noong elementarya ata nagka sundo kami noon. Kaya naman hanggang ngayon na nagtatrabaho na akmi ay strong pa rin ang friendship naming dalawa. Palipat na sana ako sa daan ng mapa urong ako. Paano ba naman ay muntikan na akong masagasaan ng nag da drive ng itim na kotse na ito. Ang aga aga ay sinisira niya ang pagiging good vibes ko. "Magpapakamatay ka ba?" inis na tanong sa akin ng driver. Itinabi niya ang kaniyang sasakyan at bumaba roon. Napabuntong hininga naman ako. "Anong magpapakamatay?" itinuro ko ang stop light. "Nakikita mo ba iyan?" inis ko ng tanong. Tumingin naman siya ng kaunti at ibinaba ng kaunti ang kaniyang shades. "Ano?" nakapameywang kong tanong. Mapang asar na ang aking tono. Napakamot siya sa batok niya at humarap sa akin. "Sorry then," maikli niyang saad. Mag so-sorry nalang ay ganoon pa. Labag sa kalooban. Hindi ko na lamang siya pinansin at umalis na sa harapan niya. Naglakad na ako papunta sa Padilla Enterprise. Doon ko kasi talaga balak mag apply. Kung matatanggap ako ay magiging secretary ako ng pinaka boss nila. Nang ceo. The big boss. Miss match job nga dahil fashion designer ang natapos kong kurso. Pero ano pa nga bang magagawa ko kung hindi nalang tanggapin ang kapalaran. Kailangan ko kasi talaga ng pera ngayon para sa pansarili kong pangangailangan. At kung maka ipon man ay balak kong magbuksa ng maliit na botique shop. Para naman mapagana ko ang napag aralan ko kahit papaano. Mayaman kami noon at sapat ang kinikita ng mga magulang ko. Masyado akong nagpakampante at hindi na isip na magtabi ng pera. Puro shopping kada isang linggo. Car accident ang dahilan ng pagkamatay nila. Masakit iyon para sa akin syempre. Naalala ko pa noon namomoblema ako. Kakayanin ko bang mag isa sa mundo? Na kakayanin ko bang wala sila, na walang magulang na umaantabay sa akin.  Kung ngayon ko iyon sasagutin ay oo ang sasabihin ko. Here I am standing independently. Still alive and kicking. Pumunta na ako sa front desk at sinabi ang kailangan ko. "Kayo po ba iyong mag a-apply bilang secretary ni Mr. Padilla?" tanong sa kain ng babae. Nakangiti siya ng maluwag at tila madandang pakisamahan. Tumango naman ako. "Ako nga po," sagot ko sa kaniya. Tumingin siya sandali sa computer at humarap muli sa akin. "Pumunta po kayo sa tenth floor at makikita niyo roon ang malalaking letter na nakasulat sa pintuan. Tapos ay dumeretso na kayo dahil doon ka mismong i-interview-in." Tumango na ako nag paalam na. Hinintay kong mag bukas ang elevator at sumakay na roon. Pinindot ko na ang numerong sinabi ng babae kanina. Pasara na sana iyon ng may humarang na kamay kaya nagbukas ulit ito. Napatingin naman ako roon. Ito iyong lalaki kanina. Naka suot pa rin siya ng shade kaya hindi ko nakikita ang buong itsura niya. Pero pamilyar siya at tila ba nakita ko na kung saan. Hindi ko nga lang mapagtanto. He smirked at me. "Sinusundan mo ba ako?" proud niya pang tanong. Napa ubo naman ako ng peke sa kaniya. Ang kapal naman yata niya para isipin na sisnunsundan ko siya. "At bakit naman kita susundan? For your information po, Trabaho po ang ipununta ko dito at hindi ikaw," sarkastikong sagot ko sa kaniya. Feelinero rin kasing masyado. Natawa naman siya. "Are you sure? O nagpapakipot ka lang?" nakuha pa niya akong akbayan. Wala na ba talagang magandang salita na lalabas sa kaniyang bibig? Marahas ko iyong tinanggal. "Pwede ba ay huwag mo na akong kausapin? Nakakairita ka na kasi," gigil kong saad. Tinalukran ko na lang siya at hindi na umimik. "Huwag ka ng pakipot miss," then he chuckled. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpa salamat na lamang ng tumunog na ang elevator. Hudyat na nandito na ako sa ika sampung palapag. Bumaling siya sa akin. "See you when I see you," saad nya at lumakad na palabas. Ang feelingero naman talaga niya. Napaypay nalang ako sa aking sarili. Chill ka lang, self. Mag a-apply kapa. Nang makita ko ang sinasabi ng babae kanina ay dumretso na ako. Kumatok ako ng tatlong beses bago iyon buksan. Pagka bukas ko sa pintuan ay nabungaran ko ang nakatalikod na swivel chair sa akin. Naka upo roon ang isang lalaki na ang hula ko ay si Mr. Padilla. Nahihiya man ay rito na talaga ako nag apply. Naging harsh pa naman ako sa kaniya kahapon ng mahulog niya ang hotdog at matapunan ako ng sprite. Pero sana ay kamukha niya lang talaga iyon at hindi siya ito. Tumikhim muna ako bago magsalita. "Mr. Padilla, ako nga po pala ang mag a-apply bilang secretary ninyo," pag uumpisa ko. Pinaharap naman niya ng dahan dahan ang kaniyang swivel chair.  Ngumisi siya ng kaita niya ang na estatwa kong katawan. "Are you really following me?" mapang asar niyang tanong. Napabuntong hininga ako. Siya rin iyong nasa elevator. Bakit ba hindi ko agad napansin. Ano ano pa naman ang pinagsasabi ko sa kaniya. Baka sa bandang huli ay hindi ako matanggap sa trabaho na ito. "Nandito po ako para magtrabaho. Hindi po para masundan kayo," mahinahon kong saad. Banayad ang ginamit kong tono. Sapat na ang pagmamaldita ko sa kaniya kahapon at kanina. "Naiintindihan ko naman talaga kung gusto mo akong sundan," ngumisi pa siya at napapiling piling. Inilahad niya ang kaniyang kamay. "Where's your resume?" he asked. Inabot ko naman iyon sa kaniya. Pagkatapos ay binasa basa iyon. Humarap siya sa akin. "So you finished fashion designer huh," bulong niya pagkatapos ay tumayo na at pumunta malapit sa akin. "Ulila at mag isang nakatira sa condo unit." Natameme ako at marahas na napabaling sa kaniya. Paano niya nalaman iyon? Hindi ko naman iyon sinulat sa resume. "Do you mind If I'll join you on your unit?" mapang asar niyang tanong. Napa react naman ako ng mabilis at tinampa siya ng mahina sa balikay. "Aray naman," utas niya. Napakagat naman ako sa labi. Bakit ko ba aksi siya pinalo? Baka hindi pa ako matanggap. "Ikaw naman kasi ano anong pinagsasabi mo," mahina kong sagot sa kaniya. Natawa naman siya. "Hindi ka naman mabiro," saad niya at bumalik na sa kaniyang upuan. "You're accepted, Miss Montes. You will start tomorrow. No pants allowed for you. You need to wear formal clothes," serysoso na niyang saad. Mabilis naman akong tumango. "Sige po, Sir," nakangiti ko ng saad. Salamat naman at may trabaho na ako. Bago pa ako makatalikod ay hinila niya ako. Napharap naman ako at nabigla ng halikan niyang ang mukha ko. Banda sa gilid ng aking labi. "Goodbye kiss," he said. Pagkatapos ay inihatid na pa ako mismo sa pintuan. Nakatunganga akong lumabas at naglakad. Hindi inaasahan ang kaniyang ginawa. --- Nakahiga na ako ngayon sa sofa ko rito sa condo. Nakbukas ang flat screen T.V. Nanonood ako roon ng "That thing called tadhana" Napa upo naman ako sa biglang pag sulpot ng kaibigan ko. "Natanggap ka ba Jules?" tanong nito at umupo sa aking tabi. Tumango naman ako at ngumiti. "Ako pa ba," pagmamayabang ko. Tumayo ako at nagtungo sa refrigerator. Kinuha ko ang cake roon at inilabas. Nagpapabili kasi siya kanina.  I sliced it and put it on the saucer. "Saan?" she asked. Kinuha niya ang hawak ko at agad na nilantakan iyon. "Padilla Enterprise," sagot ko at umupo na ulit sa kaniyang tabi. Napapalakpak naman siya. "Really? Ang swerte mo naman pala. Bukod sa maganda na ang sweldo mo ay gwapo pa ang boss mo. Saan ka pa 'diba?" "Bastos naman," bulong bulong ko. Tinignan niya lang ako at natawa. "Gwapo naman. Hindi mo ba bet?" pagtatanong niya pa. Napaka kulit talaga. Pagkatapos naming mag usap at manood ay umalis na rin siya. Pumunta na ako sa kwarto ko at nag hilamos muna bago humiga. Ang laki laki na ng eyebags ko. Baka pag nakita iyon ng aking boss ay asarin pa ako. Ang kapal pa naman ng mukha niya. Mas makapal pa sa librong binabasa ko. Binabasa ko nga pala ang "Devirginized by my ex" ni shaneangelic. Pampatulog ko na rin kasi minsan ang pagbasa ng libro. Nakahiligan ko na at nakakalibang din naman talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD