Julianna's P.O.V. "I love you, Julianna," paglalambing na naman ng aking nobyo na si Danleigh. Hinaplos haplos niya ang malaki kong tiyan. I am already nine months pregnant. Todo bantay na talaga siya sa akin. Gusto niya ay lagi niya akong nasa kaniyang tabi. Nag aalala na baka manganak ako bigla ng wala siya. Nandito kami ngayon sa opisina niya. Nagtatrabaho siya habang ako naman ay naka upo lamang dito. Tinitignan siya at pinagmamasdan ko. Feeling ko nga ay sa kaniya talaga magmamana ang anak namin. Siya talaga kasi ang pinaglihian ko. "Danleigh," pagtawag ko sa kaniyang atensyon. Nankangiti naman itong humarap sa akin. "Yes Baby?" malambing niyang tanong. "Gutom ako," saad ko at ngumuso. Nagpa pa cute sa harapan niya. Tumawa naman siya. "Hmm,. Anong gusto mong kainin?" tanong n

