Ally ' s Pov Nagising akong masakit ang leeg ko.Hindi ako sanay matulog sa couch.Ayaw ko naman tumabi kay Farrah sa kama baka sabihin nagtatake advantage ako.NapaGreen minded niya pa naman. Wala na sa siya sa kama,siguro naliligo,may naririnig kasi ako sa cr na nagbubuhos ng tubig. Kahit paano naibsan ang bigat ng pakiramdam ko.Ramdam ko kasi na ayos na sa kanya na magkasama kami dito.At natutuwa ako dun kasi mapapatunayan ko kung gaano ko siya kamahal. Lumabas na siya ng cr, bagong ligo at di ko talaga maiwasan ang mapatitig sa kanya. Hindi niya pinansin ang pagtitig ko,bagkus nilagpasan niya lang ako papunta sa kusina. Tumayo ako at pumasok sa cr.Ilang saglit lang ay lumabas na din ako. Pumunta ako sa kitchen at magtitimpla ng kape.Andun pa din siya nakaupo at nagkakape na. Kita

