chapter 2

1205 Words
Chapter 2 ZAINNAYA's POV Maaga akong gumising kahit pa mamaya pa ang pasok ko dahil alam kong maaga ding aalis si ate para pumasok sa trabaho nya bilang waitress sa isang restaurant at kapag gabi naman sa bar. Nag ayus na ako at naligo na rin bago pumasok sa kusina para ipagluto si ate ng almusal nya, nag luto ako ng hotdog, scramble egg at ginisa ko ang natira naming kanin. Ganon lagi ang ginagawa ko pag may natitira kaming kanin ginigisa ko ito para hindi masayang turo iyun ni Inay Carmelita noong nabubuhay pa sya dahil marami raw ang taong hindi nakakakain kaya wag raw mag sasayang ng pagkain. Inayus ko narin ang maliit naming lamesa at inilagay ko narin ang niluto ko at ang pinggan, Saka ako tumungo sa kwarto ni ate pero kakatok palang ako ng bigla itong bumukas at bumungad ang mala model na itsura ni ate Jaila. Si ate Jaila ay may lahing bicolana at italyana dahil si Inay Carmelita ay taga dito sa bicol province habang ang ama naman ni ate ay italyano kaya ang bunga ay si ate Jaila na itsura ay model kung hindi ko lang kilala si ate ay iisipin kong model talaga sya dahil sa makapal nitong kilay, brown na mata, matangos na ilong at manipis na mga labi ang ganda din ng hulma ng mukha nya at long straight ang buhok na hanggang biwang tapos morena ang kulay ng balat nya, maganda rin ang hubog ng katawan at mahahaba rin ang mga hita ni ate oh diba san kapa. Nakasuot naman sya ng crop top na tube na pinatungan ng maong na jacket tapos high waisted pants with white shoes oh pak na pak model talaga ang datingan ni ate diba. Natauhan ako nang batukan ako ni ate " Ano nahibang kana at hindi ka makagalaw para kang tuod dyan eh! nakaharang ka sa dadaanan ko malelate pako sayu eh! May kailangan ka ba? " Umusog ako para makadaan si ate Jaila saka ngumiti sakanya " Ah! gigisingin palang sana kita ate para kumain" nakanguso kong saad dito " Umayus ka nga para kang pato sa haba ng nguso mo halika na dito kumain na tayu " sumunod ako kay ate patungo sa kusina habang kumakain kami biglang nag salita si ate kaya napatingin ako sakanya " Hindi ako uuwi mamaya diretsyo na ako sa bar, Ikaw Naya umayus ka ayukong Kong saan saan ko nanaman nababalitaang nag gagala ka o nagbebenta ka kaya nga ako nag tatrabaho para matustusan ang pangangailangan mo ang gawin mo mag aral ka" " Opo ate " " Oh sya aalis nako ikaw ng bahala dito sa bahay kaya mo nanaman sarili mo" Pag alis ni ate Jaila inayus ko na ang pinagkainan namin saka hinugasan at pumasok sa kwarto ko at nag bihis nag uniform ko, lumabas na ako ng bahay pero sempre nilock ko muna ang pintuan ng bahay bago ako umalis. Nag lakad ako patungo sa paaralan namin ilang minuto lang ang nilakad ko nang papasok na ako sa gate, napalingon ako sa tumawag sakin nakita kong mag kasama si Gabby at Era ang mga kaibigan ko. " Oh my gosh! Ikaw bayan Naya?" Sabay nilang tili at niyakap ako na akala mo hindi kami nag kita nong isang araw "Oo papasuk nako may pambayad na Ako" nakangiting saad ko " Naya girl! Akala ko Isang linggo ka nanamang hindi papasuk saan kaba nakakuha ng pambayad" bigla syang tumigil na kala mo nag iisip, nagulat kami ni Era ng bigla syang tumuli at nanlaki ang maliit nyang mga mata " oh gosh! Wag mong sabihing ibininta mo ang sarili mo para may pambayad ka lang?" Alam kasi nila na kapag wala akong pambayad ng matrikula ko ay nag tatrabaho muna ako, binigyan nila ako Ng pera para wag na akong magliban pero tinanggihan ko iyun dahil kong nangangaylangan ako ganon din sila kahit sabi nila na umotang ako sa kanila hindi naman ako sa choosy pero tinanggihan ko parin kaya ang ginagawa nila ay kapag absent ako ginagawan nila ako ng note tapos pag aaralan ko review nalang ang ginagawa ko hindi naman sa pagmamayabang pero madali akong maka catch up sa mga lesson matalino rin ako kaya nga kasama ako sa Dean's Lester. alam rin nila na isang linggo bago ako pumasok at kong minsan inaabot ako ng dalawang linggo bago mabuo ang perang pambayad ko kaya nagtaka sila ng makita akong pumasok ng hindi umaabot ng linggo ang pagliliban ko, kaya Ngumiti nalang ako at napapailing nalang sa sinabi ni Gabby saka dumiretso sa room namin, nakasunod parin sila at kinukulit parin ako ni Gabby pero pansin ko lang ang pananahimik ni Era eh sa aming tatlo sya ang pinaka maingay pero bakit ang tahimik nya, Kilala ko sila at alam ko kapag nananahimik sila, may problima o di kaya'y may sakit. Tumigil ako sa labas ng pinto kaya napatigil naman sila. " Oh Naya girl! bat ka tumigil?" nagtatakang tanong ni Gabby sakin " Garden " seryuso kong saad alam nila kapag nag seryuso ako hindi sila pweding magbiro at magsinungaling sakin Andito kami ngayun sa dulo ng garden marami ring tao dito pero nasa malayung bahagi kami, may dalawa pang Oras bago ang pasok namin pariparehas ang course naming HRM. " Selena Era!...." bigla nalang itong humagulgul sa harap namin kaya niyakap agad ito ni Gabby hinayaan ko sya hanggang sa tumigil itong umiyak, nasasaktan akong nakikita si Era na umiiyak Mahal ko sila ni Gabby hindi lang kaibigan o Kapatid ang turing namin sa isat Isa kundi pamilya din. Si Gabby ay ulila na simula ng bata palang ito ang nanay nya namatay sa panganganak sakanya ang ama nya naman ay may iba ng pamilya kaya nag palaboy labuy nalang sya hanggang nakilala nya si Mamu Ganda Isang bakla na may parlor sa kabilang Barangay kinuha sya bilang taga linis at pinag aral din sya. Ang totoo nyang pangalan ay GABRIELLE FERNANDEZ short for Gabby at gay din sya lalaki nga lang manamit. Ito naman ang pinaka protective samin kaya raw nyang maging lalaki para lang protektahan kami minsan nga naisip ko kong hindi lang sya bakla papatulan ko toh Kasi naman ang gwapo nya, ideal boyfriend din at madiskarte pa kaso nga lang lalaki rin ang hanap. Habang si Era naman ay lumaki sa kanyang Tita Sera Kapatid ng kanyang Ina at wala din naman itong pamilya kaya pumayag ang tita nyang manirahan at kupkupin sya dahil ang ama at Ina nya ay patay na dahil sa accident sa Isang factory sa maynila bahang ang nakatatanda nyang ate Serenity ay maagang nag Asawa at nakatira ito sa Cebu kasama ang pamilya din nito. Noon ay nakatira si Era sa ate Serenity nya kaso muntik na raw syang gahasain ng asawa ng kanyang ate kaya nag pumilit syang tumira sa tita Sera nya na syang nag papaaral dito. Ito naman si SELENA ERA PELARTE sya naman ang pinaka madaldal samin tatlo laging hindi yan nawawalan ng kwento minsan napapagalitan na kami sa klase dahil sa kadaldalan nya pero Isa yun sa minahal namin sa kanya kaya kapag hindi Yan nag daldal siguradohin mo kong wala syang sakit may problima yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD