Capítulo Uno: Every secret will be told

2459 Words
Searchin's POV "Tagutaguan, maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo." Teka, teka saan ako magtatago? Nasaan ba ako? "Isa..." Naglalaro ako? "Nakatago ka na ba Searchin?" Sabay tawa ng kung sino. Taguan? Sinong taya? "Dalawa..." Sino siya? Pero mukhang kailangan ko magtago. "Tatlo... Apat... Lima..." Pinagpapawisan na ako. Masyadong madilim. Kanina pa ako takbo ng takbo, pero wala akong idea kung nasaan na ako. "Anim..." Sino ba siya? Bakit kailangan magtaguan? Pwede ko naman itong itigil dahil pagod na ako. Laro lang naman ito. At baka mamaya atakihin ako ng hika. Magaalala pa si Nanay. Masama sa kanya ang nerbyusin. "Pito..." Pero bakit may pakiramdam ako na kailangan kong magtago? Tumakbo at huwag magpahanap sa kanya? "Walo...tago Searchin, TAGOO!!! Dahil pag nahanap kita, papatayin kita." Sabay tawa ng sobrang nakakatakot. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Papatayin ako? Sino ka? Gusto kong itanong pero wala akong lakas ng loob para sabihin. Dahil papatayin nya ako kapag nalaman nya ang kinatataguan ko. "Siyam..." Sumiksik ako ng sumiksik sa sulok. Masyadong madilim para mahanap niya ako. Kaya imposible, dahil maski ako walang makita kundi puro kadiliman. Iyak. Bakit nya ako papatayin? Anong ginawa ko? Wala akong kasalanan. Wala. Wala. Hindi ako ang may gawa. Hindi ako. Inosente ako. "Sampu." "Nakatago ka na ba?" Nakakatakot ang boses. Pero pamilyar ito. Niyakap ko ang aking tuhod. "tagutaguan, maliwanag ang buwan, magtago ka Searchin. Dahil oras mo na" sabay tawa. May mga hakbang na palapit nang papalapit. Imposibleng makita nya ako. Masyadong madilim. Hindi ko maaninag kung sino. "Yan lang ba ang kaya mong pagtaguan? Huh, Searchin?" Yung boses? Mas klaro. Siya? Imposible!!! Napalingon ako sa aking kaliwa. Isang makislap na bagay ang nababadyang tumama sa akin, pero hindi ako sa kutsilyo nagulat kung hindi sa taong sasaksak sa akin. Bakit siya? Paano? Imposible. Bago pa ako makatakas ay sinakal na niya ako. Mas malakas siya kumpara sa isang babaeng katulad ko. Sobrang higpit. Halos wala na akong maihinga. Pilit kong inaalis ang kanyang mga kamay pero nanghihina na ako. Wala akong magawa kundi ang tingnan ang kanyang mga matang balot ng galit, lungkot at pagluluksa. Ito ka na ba ngayon? Nasayang ang binigay kong- "Anak!!!" Si Nanay? Boses ng aking ina. Bakit narito si Nanay? Hindi maari. Baka pati siya mapahamak. Baka pati siya mapatay niya. Huwag kang lumapit Nay. Pero nanatili lang ang mga salitang ito sa aking lalamunan. "Anak? ?" Naririnig ko ang hakbang niya. Pinilit kong makawala. Baka pati si Nanay patayin. Sa pagkawala ko mula sa kanya. Ang siyang lapit ni Nanay. Kita ko ang gulat sa kanya. Nasapo niya ang kanyang dibdib. Ang puso niya. Gusto kong lumapit ngunit tila walang lakas ang mga binti ko. Sobra akong naghihina. "Paalam Searchin." At tumawa nanaman siya ng nakakakilabot. Nanalaki ang mga mata ko ng bigla niyang saksakin sa dibdib ang aking ina. "NAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!" napabalikwas ako ng bangon sa eksenang iyon. OH MY GOSH!!! what the heck is that? So freaking nightmare. "Searchin? What happened? Narinig ka namin ng daddy mong sumigaw?" "I.. just... have... nightmare." Yumuko ako. Ayokong makita nila akong natatakot. Gusto kong magmukhang normal na sa akin ito. A usual thing. "Nightmare again? It's crazy!! Magsabi ka nga ng totoo anak, what's really happening???!!" Naghehesterical na si mommy. I can't take this. Pinapakalma ni daddy si mommy habang ako nakayuko lang. "Honey, calm down okay?" Alo ni daddy kay mommy. "How can I calm down kung may nangyayari sa anak natin Arman?" "Earnize naman, ilang ulit na bang nagyari to kay Searchin? A hundred times!!! For Godsake, she said she's okay and it's normal to her!!!" Napahigpit ako ng kaput sa kumot sa mga salitang iyon. Siguro nga dad, a hundred times should be enough to be immune but definitely, I'm not. "That's bullshit Arman!! She's. My. Daughter. And halos atakihin na ako sa puso sa tuwing nangyayari yan sa kanya!!" Sorry mom, if that's what you feel. Ayoko namang atakihin ka sa puso dahil sa akin. I'm really sorry dear mother, if that-- THAT s**t!!! Atakihin sa puso? OH Gosh, yun yung sakit nung nanay "ko" sa panaginip. I wont let that happen. That's only a freaking dream!!! "Ano ba Earnize? Siguro dala pa rin yan ng trauma sa -.." Biglang tinakpan ni mommy ang bibig ni daddy na syang nagpabalik sa akin sa realidad. "What trauma?" Nagkatinginan ang parents ko. Now. What's really with that? May hindi ba ako alam dito? " Nothing sweetie. Baka kasi you have trauma about your dreams so its still bothering you."dad said. "Maybe."Not. "You should rest na sweetheart, you have class tomorrow so get some sleep, okay." Then they kissed me in my forehead. It's still running in my head. That scene. Paulitulit. Dahil sa tahimik na, lalo ko lang naiisip yung mga napapaniginipan ko. Mga scenario na puro may namamatay.... ng dahil sa AKIN. Sino ka ba? Ikaw na gustong pumatay sa akin. Gusto akong saktan. Patayin ang mga taong malalapit sa akin. Oo malalapit sa akin, kahit hindi ko kilala yung mga tao na pinapatay niya. Feeling ko, ang laki ng parte nila sa buhay ko. Kaibigan o Pamilya, ano man ang naging/magiging parte nila sa akin, I should keep them safe and that would succeed if I KNOW WHO THE KILLER IS. I need to find it out. -- Searchin's POV "Searchin May Montesquieu, half Spanish, half American. Only daughter of Armando Ell and Earnize Montesquieu. Heir of Ell Monte Group of Companies. 17 years of age, musician-classical theme and even melodic genre, ballet dancer- ballerina of last best performance in france, artist-sold most of and best authentic art works in her age, athlete - tri-athlete (boxing, volleyball, badminton and tennis) she's not only good in physical activities but also in intellectual. She passed in prestigious Harvard University who she rejected the offer and make a choice to study here in the Philippines, at San Rousse University. Taking up Bachelor of Arts Major in English. She hate being popular, so she decided to be normal as if she can handle it. " pagkatapos niyang basahin ang magazine na hawak niya na kung saan nakasulat yung about sa akin. Tss. That interview of mine sa isang sikat na magazine. Pathetic. Nanatili lang akong nakatayo. "Ooookay... Thank you Miss Javier sa pagpapakilala kay Miss Montesquieu. But I think we should hear that from her. " nakangiting tumingin sa akin yung professor. Hinihintay niya siguro akong magsalita. Paano pa ba ako magsasabi ng tungkol sa akin eh kung lahat na ata ng about sa sarili ko sinabi na ng mahaderang babae na ito. Arghhh. I. Hate. Being. A. Popular. I want a normal life. A simple one. How can I do that if this would happen? Halos ibulgar na niya kung ano, sino at bakit ako nandito. Thats me as a celebrity. But I'm not just ordinary celebrity after all. I came here for a mission. And this Freak. Tss. Nainip ata sa akin yung prof kaya pinaupo na niya ako. "Please be seated at the back Miss Montesquieu... Because you're late enrolled you should make a ways to catch up in our lesson. You can borrow the notes of your block mates. Well if you will lang naman. I know you can handle it on your own." Whatever. Just start the lesson. Kahit gusto kong sabihin yun. Ayoko naman maging atribida. I only nod. She's about to start the lesson when the speaker announce something.. "To all students of Bachelor of Arts and Liberal Arts go to gymnasium now. Event is about to start. I repeat, to all students of Bachelor of Arts and Liberal Arts go to gymnasium now. Event is about to start." Event? "okay class you may go." Nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Halatang hindi rin nila alam kung anong event ang magaganap. "Sisi, anong event ang gaganapin? Bakit hindi man lang kami nainform about dito?"tanong nung girl na nasa unahan ko dun sa katabi niyang "Sisi" " Me too, I don't know. As far as I know wala pang nakaline up na events sa Department natin. Shy is doing the planner pa lang." Sabi nung Sisi. She's familiar. But I can't remember where I saw her. Tss. Nevermind. Ano namang papel niya at dapat alam niya yung event? Tss. Nakakatamad talaga pumasok. Kung hindi ko lang kailangan ng diploma para maipakita ko sa Daddy ko at mga kamag-anak niyang sinuka ata ng impyerno na hindi lang ako isang tagapagpana, na ako si Searchin May na may utak at kayang patunayan na hindi ko iwawaldas yang hinayupak nilang pera sa walang kwentang bagay. They all f**k up. Bullshit that crab mentality!!! Naglalakad na kami papunta sa gym ng mapansin ko yung lalaking nakatingin sa akin. Not only stares but Glare!!! What did I do? Lalapit na sana ako ng biglang magsitakbuhan ang mga studyante palabas ng gym. Dahil hindi ako handa, nabangga nila ako and I fell. Holy Crap!!! Natatapakan na nila ako. Letse!!! Ano bang problema ng mga to at bakit sila nagtatakbuhan? Ouch!!!! Ggggg! Natuhod ng kung sino yung pisngi ko. Duhhh! They all s**t!!! "STOP!!!!!!!!" ubod ng lakas kung sigaw kahit nagtitilian at nagsisigawan na ang mga studyante. Sa konti ng populasyon ng Department namin, impossible hindi nila ako marinig. Kaya tumayo na ako and as I expected, they stopped but still they're all horrible. Fear all drawn up in their faces. What the hell is wrong with them!? "What the chaos is all about?" I don't hear anything but one girl point the gymnasium. Kumunot ang noo ko sa tinuro ng babae. What's inside of it? "What?" Still, she's pointing it. And I decided to look at it with my self. I walk towards the distance of the door. Dahan dahan. Bakit parang kinakabahan ako. Yung kabang kakaiba. Yung kabang tulad ng sa mga panaginip ko. Takot, kailangan kong tumakbo, magtago, huwag sa kanya'y magpahanap. Malapit na ako sa door para makita ang tinuturo ng babae ng... "Don't!!" Someone shouted. I look at him??? Siya? Yung makatingin akala mo kakainin ako ng buhay? I just continue walking. "I said. DON'T!!!" Hinigit niya ang braso ko at napaharap ako sa kanya. Wala ni sinong mang humahawak sa akin. I glared. "Get. Off. Your. Hands" sinamaan ko siya ng tingin. Bastard Cocoo brain. Pero mas hinigpitan pa niya ang kanyang paghawak. He's really getting on my nerves. "Let's go." Pilit niya akong hinihila, but I stay. "Gemini." Gemini who? "I'm not her. Excuse me." Tuluyan na kong pumasok. --- Noah's POV Nakita ko kung paano nanginig ang mga mata niya ng makita ang nasa loob. Kahit hindi niya pinahalata, I know she's afraid. Like before. Gemini. You're still the same girl I met. Sa loob ng halos tatlong taon, hindi kita nakalimutan. Your face, smell, features and everything about you. You never failed to mesmerized me. Kaya hindi ako naniniwalang patay ka na. Now that you're here, is the proof that my hopes and faith are still in. "KYAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!" Nagsitilian ang mga kapwa ko estudyante na siyang nagpabalik sa akin. What the f**k!!! Nagsitakbuhan nanaman sila. Pati ang mga professor ay nagpunta na rin para pahupain ang gulo at ang mga estudyanteng takot na takot. Pinapakalma. Wait? Nasaan si Gemini? s**t!?! Nasaan na yun? Nakatayo lang siya kanina sa may pinto ah? Sinasalubong ko ang mga tao para mahanap si Gemini. Nagpapanic na sila. Sino ba naman kasi ang matinong gagawa ng isang scenario. "Look! Yung new student hinawakan si Mrs. Garcia!!!" Sigaw nang isang babae. New Student? Si Gemini ba yun? Lumingon ako sa stage at si Gemini nga!!! HINAHAWAKAN ANG NAKABIGTING SI MRS. GARCIA? Lalapit pa lang ako ng biglang nawalan ng malay si Gemini. Dali-Dali ko siyang binuhat papuntang clinic. Damn!! Bakit ba kasi niya hinawakan ang bangkay? Kahit naman sino matatakot sa patay. Feeling Talaga nito ang tapang niya. Kahit halata namang takot na takot. Nanginginig pa. Tinakbo ko ang clinic. Ang bigat pala nitong babaeng to, nagkalaman ata siya. Hingal na hingal na kong tinakbo ang clinic. "Oh Noah? Anong nangyari kay Miss Montesquieu?" "Nahimatay Nurse Joy." "Nahimatay? Sige. Pahigain mo na siya sa Bed 3." Ginawa ko ang utos ni Nurse Joy. After ilang minutes na chineck ni Nurse Joy si Gemini ay humarap saakin at nagtanong. "Hintayin mo na lang siyang magising Noah... Nga pala, saan ba kayo galing at nahimatay siya?" Usisa niya. " Sa Gym." "Sa Gym? Nag Physical activity ba kayo? But, she's athlete right?" Ilang minuto akong tahimik habang nakatingin lang siya sa akin. Akmang lalabas siya ng clinic nang mapahinto siya sa sinabi ko... "Nagsimula na ulit ang laro.." Kumunot ang kanyang noo. Tila inaanalisa pa ang sinabi ko. Nanlaki ang mga mata ni Nurse Joy ng matanto niya ang ibig kong sabihin. Alam ko, hindi ka rin makapaniwala. Pero ito na ang simula. "Pe-pero bakit sinimulan mo ulit?" Tumingin ako sa natutulog na si Gemini. Sobrang amo ng mukha niya, mala anghel na payapa ang pagkahimbing. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Hindi ako." "Hindi ikaw? Edi sino? Noah! Ikaw lang ang nagpasimula ng laro. Ikaw ang gumawa ng laro. Kaya imposibleng hindi ikaw!" Galit niyang sabi. Patuloy kong hinahaplos ang pisngi ni Gemini. Lalong kuminis at gumanda siya kaysa noon. Pero yan din ang tanong ko. Kung hindi ako, sino? Walang ibang nakakaalam ng laro maliban sa akin at kay... Pero hindi pwedeng siya, Dahil mamatay siya kung sisimulan niya ang laro. The master of the game lang ang dapat magsimula. Ang siyang sumuway ay hahatulan ng kamatayan. And I'm the master of the game.Pero sino nga ba? May iba pa kayang gustong maglaro maliban samin? But our game is really the same. Ang pagkakapatay, parehong pareho. --- Someone's POV Ang lahat ay takot na takot. Pero hindi nila matatakasan ang mga nakatagong nakaraan. Pilit ko itong ibubunyag at ipapamukha sa kanila kung gaano kahayop ang pangyayaring pinagtatakpan nila. Walang sekretong hindi mabubunyag. Ang mga baho ng bawat isa ay papasingawin ko. Humanda kayo dahil magsisimula na ako. Dinala ni Noah si Searchin sa Clinic. Ang iba ay nanginginig sa takot. Bakit? May naalala ba kayo? Akala nyo tapos na ang laro? Mga tanga! Walang matitira sa batch na ito. Ang laro ay laro. Pumayag kayong ipagkalulo sa demonyo ang buhay nyo para sa isang premyo. "Oh? Loser ka talaga! Nakatunganga ka lang. Tulungan mong maglinis sila Doon!" Sigaw ni Jury. Binatukan nya ako at tinulak sa bangkay ni Mrs. Garcia. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Hindi ako natatakot sa tingin mo. Nandidiri pa. Tss. Makaalis na nga." Lumakad siya palayo na tila model na rumarampa. Sige, magpakasaya ka. Namanamin mo yang oras mo. Lasapin mo na ang natitirang sandali na buhay ka pa. Malalaman din ang papel mo sa laro ng nakaraan at laro ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD