Sparkle
Nagising ako ng mag ring ang phone ko. Kinapa kapa ko ito habang nakapikit pa ang mga mata ko.
“Hello?” Sagot ko habang nahikab ako.
“Aya.. ang nanay na ospital nanaman dahil kay ate Rose Gold” napatayo ako at napahawak sa noo ko. “Ano nanaman ginawa niyo sa Nanay Bakit na high blood nanaman” Inis kong Sagot kay ate Sterling Silver. Yup ang nanay ko ang galing mag pangalan ng mga anak at matatawa ka na lang sa basehan nito. Ang panganay namin si Ate Rose Gold ang tatay niya ay isang Australian na Manager ng restaurant na pinag tatrabuhan ng nanay noong OFW siya.
So Sakto lang daw ang yaman ng tatay ni ate Rose kaya gold ang name niya sunod naman si Ate sterling silver dahil Hindi daw mayaman Hindi din daw mahirAp ang ama ni Ate sterling kaya Silver pangalan niya. Isang Arabian naman ang Tatay nito. At ako ang bunso at dahil ang Tatay ko daw super yaman kumikinang na dyamante ang pinangalan saakin Sparkle Diamond isa naman Amerikano ang aking Tatay. Lahat sila nalinlang ang marupok kong nanay. Nag Pakilalang binata at pinangakuan ng kasal pero ng makuha na ang petchay niya at nabuntis siya naglaho na ng parang bula at ng alamin niya Kung nasaan na sila ayun mga kasal at pamilyado na pala. Ang maganda sa nanay ko hindi siya nag habol kahit sustento Hindi ito nang hingi itinaguyod niya kami Sa sarili niyang sikap. Nakapag tapos kami ng kolehiyo dahil sa nanay at siyempre nag working student din kami. Pero si Ate sterling silver pag ka graduate ayun nabuntis ng isang mayamang lalaki tapos nag laho nalang na parang bula kaya ngayon pinapalaki niya ang kanyang anak na mag isa.
“Ano bang ginawa ni Ate rose Gold?” Tanong Kong muli habang patungo ako sa bathroom.
“Buntis daw siya.. pero nalaman niyang pamilyado na ang boyfriend niya” napasapo ako sa muka. Parang sinumpa ang aming pamilya napaka malas sa pag ibig.
“Ano ba yan!! Nakaka trauma naman kayo parang ayaw ko ng mag boyfriend” Sagot ko. “Oh kamusta naman ang nanay?” Pag aalala ko. “Ok nanaman pero iyak ng iyak dahil ayaw daw niyang danasin natin yung dinanas niya” naawa naman ako sa nanay ko dahil eto ang ayaw niyang mang yari saamin ang Maloko din ng mga lalaki.
“Sige uuwi ako diyan this week end sa Monday pa naman start ng OJT ko.. dadalawin ko muna ang nanay” mag te-training na ako sa Montemayor Towers after ko maka graduate at sa Monday na ang start ko.
Nang makarating ako sa bahay namin sa Tagaytay agad akong sinalubong ng nanay ko ng yakap at iyak.
“Sparkle anak!!! Aya!! Ayokong magaya ka saamin ng mga kapatid mo mag madre ka nalang mas mapapanatag ang loob ko” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
“Nay naman madre po talaga.. dami ko po pangarap sa buhay ayoko po mag madre”mahinahon kong Sagot. “Anak pag sasamantalahan ka lang ng mga kalalakihan sa sobrang Ganda mong yan at bait madali kang maloko” Napangiwi ako sa sinabi ng Nanay. “Nay naman eh grabe kayo saakin.. Hindi po ako magiging marupok katulad niyo promise” inalis nito ang pagkaka yakap saakin. At binatukan ako.
“Siraulo ka talaga no Nanay mo ba ako? Kung maka pagsalita ka ha.. tandaan mo kung ang nanay mo marupok marupok din ang anak tignan mo yung dalawa mong Ate” kamot kamot ko ang Ulo kong naglakad patungo sa couch at naupo.
“Ate Rose.. ano bang nangyari?” Naka upo din ito sa couch. “Ano pa ba edi na in love sa maling tao.. kaya I think tama ang nanay Aya.. mag madre ka nalang para maiwasan mo ang sumpa sa pamilya natin” muli akong napa simangot. “Hindi ako naniniwala sa sumpa.. walang ganon” niyakap ko si Ate Rose. “Don’t worry ate kakayanin natin ito blessing yang baby mo kaya don’t be sad” aro ko kay Ate Rose.
“Anak.. seryoso ako sa sinabi ko saiyo pag isipan mong mabuti mang Hingi ka ng signs sa panginoon kung Anong landas ang dapat mong tahakin” Ngumiti ako ng pilit dahil Hindi ko makita ang sarili kong mag madre. “Opo nay sige po.. pangako po pag binigyan ako ng sign ni Lord na katulad niyo din akong marupok pangako mag mamadre na lang ako” kinurot naman ako ng nanay.
“Marupok pala ha!! Sige pangako mo yan anak ha” tumango nalang ako.
Monday came at eto ako ngayon unang araw ng on job training ko sa Montemayor Tower gusto ko sana doon sa Mondragon Empire pero ang haba ng waiting list baka bago ako matawag Lola na ako sa dami ng nag a-apply doon. Ok din naman ang Montemayor Towers dahil yung iba pa nga nilang Employee nakakarating pa sa ibang bansa dahil nga may mga hotel ang Montemayor sa ibat ibang bansa.
“Lahat ng posisyon dito sa Montemayor tower ay ituturo namin sainyo mag mula sa receptionist house keeping elevator girl/boy etc dahil importante sa Montemayor tower na alam lahat ng empleyado ang trabaho dito unang una dahil Hindi ka Pwedeng maging manager or supervisor agad agad kung Wala kang alam sa mina-manage mo or sinu-supervise mo pangalawa you’ll never know kung May time na kailanganin mo Gampanan ang isa sa mga posisyon na ito” mahabang litanya ng trainer namin. Which make sense.. sang ayon ako sa sinabi niya. Ang training ay rotation. This week naka assign ako sa reception next week sa elevator then house keeping naman.
“Hi I’m Ana anong name mo ang Ganda mo naman” pakilala ng isang receptionist
“Hi Ana I’m Sparkle nice to meet you” naka Ngiti kong Sagot. “MahirAp bang maging receptionist?” Tanong ko. “Hmmm.. itong building ng Montemayor Tower na ito Hindi.. kasi halos lahat ng May Ari ng condo at penthouse dito puro milyonaryo at bilyonaryo. So you don’t need to really check them in yung mga bisita lang nila” Napa tango naman ako. “Ahh ganon ba so lahat pala ng papasok dito sa building na ito mayaman” Usisa ko.
“Oo sparkle marami pang binata at gwapo baka makahanap ka ng soulmate mo dito” biro ni Ana. “Haayyy naku Wala pa sa isip ko yan marami pA akong pangarap bawal maging marupok” Sagot ko. “Pwes dito masusubok Kung gaano ka karupok dahil maraming tukso dito” kinikilig na Sambit nito.
Tama nga si Ana busog na busog ang mga mata ko sa mga nakatira dito ang gagwapo. Mukang masusubok nga ang pag ka marupok ko dito.
“Hi Ana.. May new employee pala tayo pakilala mo naman ako” mukang isa ito sa mga May Ari ng condo dito.
“Ah sir Zach si Sparkle po trainee po siya.. ah Sparkle si Sir Zach May Ari-
“Isa ako sa May Ari ng mga condo dito” patuloy nung Zach.
“Nice to meet you po Sir Zach” nakangiti kong Sagot. Yung kagwapuhan niya na sinamahan ng malakas na s*x appeal nasaan ang hustisya. “Kung ganito naman kagwapo ang lalaki na man loloko saiyo parang ok na lang din joke” kausap ko sarili ko.
“Oh sige mauna na ako nice to meet you again Angel” Sambit nito.
“Sparkle po sir Hindi Angel” pag tama ko
“I know muka ka lang Anghel kaya tinawag kitang angel” Sabay kindat nito.
“HooohhhmaaayyyGoooshhh!! Mukang mag mamadre ako nito masayado pala akong marupok” sigaw ng utak ko. “Mukang type ka ni Sir Zach Sparkle Hindi naman pumupunta yun dito sa reception eh usually tuloy tuloy lang yun sa elevator” kinikilig na Sambit ni Ana.
“Hindi naman siguro baka friendly lang dahil nga nakita niya na bago ako” pag tanggi ko.. ayoko kayang maging assuming. Natapos ang first week ko ng maayos tama nga si Ana Hindi nga mahirAp ang maging receptionist dito. This week naman sa elevator ako. Mas gusto ko ang receptionist kesa dito sa elevator nakakailang minsan May mga nag hahalikan nag lalandian at lovers quarrel pa nga. Last day ko today as elevator girl it’s around 10pm pag bukas ng elevator si sir Zach ang nakita ko may kasama itong babae at nag hahalikan sila. Pumasok sila sa loob ng elevator na walang tigil ang halikan. Kitang kita ko ang ginagawa nila sa repleksiyon ng makintab na pintuan ng elevator. Nakita ko Kung papano sipsipin ni sir Zach ang labi ng babae habang pisil pisil ang boobs nito. Nakaramdam ako ng pamumuo ng pawis sa noo ko. “Ang galing niyang humalik” Napakagat labi pa ako habang pinanonood ko sila.Nag punas ako ng pawis sa noo dahil nag simulang mag init ang katawan ko sa Napapa nood ko. Virgin pa naman din ang aking mga mata. Napaiwas ako ng tingin ng tila nagtama ang aming mga mata sa pintuan ng elevator. Buti nalang tumunog na ang elevator hudyat na Nakarating na kami sa basement dun kasi sila patungo. Ang akala ko silang dalawa ang lalabas pero nagulat ako ng iharang ni sir Zach ang katawan niya sa pintuan ng elevator para Hindi ito Sumara. Matapos ay hinalikan niya ang babae muli sa labi. Muli akong napa iwas ng tingin ng sulyapan ako nito habang ka halikan niya ang babae. Nakita ko pA ngang napangisi ito.
“My gosh talagang sa harapan ko pa dun pa sila nag halikan sakit sa mata” Naiinis Kong bulong sa sarili ko.
“can I see your big boy again Zach soon?” malanding tanong nung babae. “maybe if it’s meant to be it’s meant to be” sabay tulak nito sa babae palabas ng elevator at pinalo ang pwet. “Awww!!” Tili ng babae na tila nagustuhan pa nito ang ginawa ni sir Zach. Nang maka Alis ang babae pumasok na muli ito sa elevator. Hindi ito nag sasalita kaya ako na ang nag tanong
“Sa 12th floor po ba sir?” Naiilang Kong tanong.
“Oh.. akala ko byaheng langit ito May Anghel kasi sa loob ng elevator” Hindi ako kumibo dahil obvious naman na pakboy siya kung maka banat saakin parang Hindi ko siya na kitang nakipag landian a second ago.
Pinindot ko nalang ang 12th floor pero ramdam ko ang paninitig nito saakin at nang sumulyap ako sa pintuan tama nga ako he’s checking me out mula ulo hanggang paa.
“Diba ikaw yung bagong receptionist Bakit nasa elevator ka ngayon” tanong nito. “Ah ano po kasi trainee palang ako so lahat po ng posisyon dito itinuturo saamin next week po housekeeping po ako” magalang kong sagot. Kahit na nakakaramdam ako ng ilang na ngayon ay kami lang dalawa dito. Sumasagi din sa isip ko ang ginawa nila nung babae na para bang gusto ko ding gawin niya saakin. “Haaayssstt!!” Sigaw ng utak ko. Ayoko yung mga naiisip ko.
“Oh really.. anong schedule mo next week” nakangiting tanong nito.
“Bakit niyo po natanong sir?” Nag tataka ako Bakit interesado siya malaman.
“Nothing baka pag kailangan ko ng mag lilinis ng condo ko ikaw nalang” tumango tango naman ako.
“Pang gabi din po. 4pm to 12 midnight po” Sagot ko. Sabay tunog ng elevator.
“Nice to see you again Sparkle and hope to see you again soon” Sabay kindat nito. Tila natuwa naman ako na naalala pala niya pangalan ko at kahit na alam kong magaling lang itong mambola ng babae Hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig na gusto niya ako ulit makita.
“Haayyy!! Sparkle marupok ka nga Malamang lamang sa kumbento ang tuloy mo kapag Hindi mo pinigilan ang pagka marupok mo.” Kastigo ko sa sarili ko.