Ilang araw pa ang lumipas halos lahat ng ilog ay nilibot na nila, subalit wala pa ring Brie ang nakita.Marahil ay pinagpiyestahan na ito ng mga buwaya. Tumigil na rin ang mga police sa paghahanap. Kaya mas lalong nagalit si Lanche. Hindi niya matanggap na wala an ang dalaga lalo na at may nakita itong bracelet ni Brie na lumulutang sa ilog. Bali-balita rin sa ibang baryo na madalas na may mga buwaya silang nahuhuli sa ilog na iyon. Maski ang mga kapatid ni Brie hindi matanggap na wala na ito. Na wala na ang ate nila. "L-lanche..." lumapit si Lauren sa lalaki. Nakatulala ito at malalim ang iniisip. Mula ng ibalita iyon, mula ng itigil nila ang paghahanap kay Brie ay ganito na siya. Madalas niyang saktan ang sarili dahil hindi niya matanggap na wala na ang dalaga.Tanging si Lauren lang a

