Lumipas pa ang ilang araw at muli niyang nakita ang lalaki. Tahimik itong naglalakad kasama ang isang maid sa garden. Hindi niya alam kung bakit siya lumapit dito binati naman siya ng isang katulong. Tumigin ito sa gawi niya. Alam niya namang hindi ito makakakita pero parang may kung ano siyang naramdaman ng magkatitigan sila. "Ah sige mauna na kami Sandra. " paalam ng katulong at muli itong inalalayan si Lanche palayo. Paalis na sana siya ng may mabangga siya. At laking gulat niya ng makita si Lauren na nakatingin din sa kaniya. "B-brie?!" gulat na tanong niya habang nakatingin kay Brie na nagtataka ring nakatingin sa kaniya. "A-ano po?" tanong ni Brie habang naguguluhan sa sinambit ni Lauren. Sa huli, hindi sinabi ni Lauren ang lahat. Nanatili siyang tahimik kahit alam niyang buhay

