Mag oorder na sana siya kaso naaalala niyang wala na siyang pera.Kaya tinignan siya ng nagtataka ni Chillet. "Beshy? Tara na! Don't tell me na wala kang baon?" sabi ni Chillet. Ngumiti naman siya. Actually, fifty pesos na lang ang pera niya. Juice lang ang maibibila niya rito. Hindi naman siya nag baon ng pagkain. Nagulat siya ng hilahin siya ni Chillet sa isang sulok. "Hoy gaga! Anong walang baon?! Ang yaman ng asawa mo walang baon? niloloko mo ba ako?" sabi niya kay Brie. "Alam mo naman na wala na akong trabaho--" "So hindi ka nga binibigyan ng pera ni Mr. Claveria?" tanong niya ulit kay Brie. Hindi siya sumagot. Hindi naman talaga siya binibigyan nito dahil dineretso nito sa bank account niya. Akmang paalis si Chillet ng pigilan niya ito.Ipinakita niya ang BDO card niya. "Ito a

