"H-hindi po, malayo po tayo.Kayo ang magiging asawa ng amo namin. " sabi ng isa pang maid.
Asawa lang ako pero hindi ako ang amo, amo natin siyang lahat " nakangiting depensa niya.
"Pero Madame hindi po pwede kami ang malalagot kay Sir."
Hindi na siya umangal pa. Hindi lang siya sanay na tinatawag na ganon.Natapos ang sila at umakyat na siya sa kwarto.Naisip niya ang mga kapatid niya. Ilang araw na niya itong hindi nakikita.
"You can visit them after the wedding."
Nagulat siya at biglaan niyang itinago ang picture nilang pamilya.Nasa likod niya si Lanche habang nakatingin.
Hindi siya sumagot.
"Marunong ka bang kumatok at pasulpot-silpot ka bigla?"
Bulong niya habang nakatanaw sa labas ng bintana.Kita niya rito ang maliwanag na buwan.
"Meshua Pick you tomorrow, I have a flight. See you on wednesday"
Matapos iyon sabihin ay umalis na ito. Naiwan siyang nakanganga habang iniisip ang sinabi ng lalaki. Ibig sabihin ay sa kasal na sila magkikita?
"Ganon ba ko kawalang halaga sa kaniya? At maski ang trabaho ay hindi niya kayang tanggihan?" sabi niya sa sarili habang nakatingin sa pinto.
Nalungkot siya. Siguro nga ay hindi ito mahalaga sa lalaki. Dahil bayad lamang siya sa pagkakautang ng ama. Maski isang pagmamahal ay wala sigurong nararamdaman ang lalaki sa kaniya.
Si Meshua ang kumilos ng lahat ng papers na kailangan nila.Kaya naman mas lalo siyang nalungkot. Hindi man lang ito nag laan ng kaunting oras para pag aksayahan siya ng panahon.Lagi itong wala sa mansion at minsan na lamang niya ito makita.
Maaga siyang gumising para pumasok sa school, sigurado siyang magtatanong ng bongga si Chillet kaya naman naghanda na siya ng mga sasabihin niya para dito.
Paalis na sana siya ng makita niya sa labas ng bahay si Meshua. Naka formal ito at nakangiti sa kaniya.
"Madame, ako na ang maghahatid sayo" nakangiting sabi nito.
Hindi na siya nagtanong. Nakatoka si Meshua ngayon para bantayan siya. Hindi niya alam kung bakit napapapayag ni Lanche si Meshua sa mga bagay na yon.
"Meshua? Hindi ba mayaman ka? Bakit napayag ka alilain niya?" sabi nito na ikinagulat ni Meshua.Ngumiti ito bago nagsalita.
"Hindi ako mayaman Madame.HAHAHA" Sagot niya.
"Piloto ka hindi ba? Edi mayaman ka!" sabi niya pa.
"Kakaumpisa ko lang sa pagiging piloto, hindi gaya ni Captain na matagak na siya sa airliners.Kaya ko to ginagawa bilang utang na loob sa kaniya." sabi ni Meshua kaya lalo siyang na curious.
"Utang na loob?" nagtatakang tanong nito.
"Oo, malaki ang utang na loob ko kay Captain. Siya ang dahilan bakit naabot ko ito. Dahil sa tulong niya kaya nakaahon ako,napagamot ang tatay ko." sabi nito habang mapait na ngumiti.
"Pasensya ka na Meshua.Hindi ko alam" Sabi niya, tila para itong nalungkot ng banggitin ang tatay nito.
"Wala yon Madame. Andito na tayo." nakangiti ulit nitong tugon.Tumingin siya sa labas at nandito sila sa parking lot.
"Girl hindi ba't si Meshua iyon?!"
"Yung hot pilot na kaibigan ni Mr. Claveria?"
"Oo siya nga iyon!"
Bigla siyang nakaramdam ng hiya ng ipagbuksan siya nito ng pinto. Lalo na't kilala din ito ng mga student dito sa school nila.
"Sino yung kasama niya? Girlfriend niya ba?"
Gusto niyang bumalik sa loob subakit huki na dahil nakalabas na siya.Hindi niya kayang harapin ang mga students dito sa parking dahil panigurado ay bubullyhin na naman siya.
"Madame? May problema ba?" tanong ni Meshua.
"W-wala.S-salamat" sabi niya.
Kailangan niyang pumasok dahil late na siya sa unang subject niya.Bigla niyang naisip ang sinabi ni Lanche.Dapat pala ay pumayag na siyang umabsent ngayon.Pero may quizes sila kaya hindi pwede.
"O-M-G! Si Brie yan diba?!"
"Anong ginagawa niya sa kotse ni Meshua?!"
Rinig naman ang usap-usapan dito habang naglalakad siyang nakayuko ng may humarang sa daan niya at itinulak siya dahilan para mapatumba siya.
"Hoy! Stupida! Bakit kasama mo si Meshua ko?!"
"Oo nga?! Anong gayuma ginamit at napasakay ka sa kotse niya huh?!" sabi ng mga babaeng nakaharang sa daanan niya. Mas lalong lumakas ang bulungan dito.Patayo na sana siya ng may tumulong sa kaniyang tumayo.
"Omg! Hinawakan siya ni Meshua!"
"Mangaagaw!"
Nagulat na lamang siya ng makita si Meshua na itinayo siya at hinarap ang mga babae.
"Anong problema niyo sa kaniya? Bakit niyo siga tinulak?" tanong nito pero rinig mo sa tono niya ang galit.
"M-meshua syet!" nagtitinili na lamang ang mga babae bago ito tumakbo paalis.
"Okay ka lang Madame?" tanong nito sa kaniya.Hindi siya makatingin dito dahil nahihiya siya sa nakita ni Meshua habang wala siyang laban na inaapi ng mga babae.
"Bakit hindi ka lumabas madame?" tanong ulit nito.
"Ah Meshua, aalis na ko huh? Maraming salamat talaga. " mabilis na sabi niya bago tumakbo sa loob ng school. Konti na lang ang students dahil naguumpisa na ang klase ng iba.
Pag pasok niya sa loob ng room ay wala pa ang prof nila. Kaya naman umupo na siya. Habang papalapit siya sa upuan ay kita niya ang masamang tingin ng ibang students at yung iba naman ay natatawa.
"Feelingera at assumera!" singhal ng isa niyang kaklase habang sinisigaw iyon.
"Hoy tigil-tigilan niyo nga si Brie!"
Napalingon naman siya ng makita si Chillet habang seryosong nakatingin sa kaniya.
"Hoy babae, may utang ka sakin."
Maya-maya lang ay dumating na rin ang professor nila. Gaya noon, nakuha niya ang highest score.
"Inlove kasi siya HAHAHAHA"
Sigaw naman ng isang lalaki na kaklase niya rin Mas lalo siyang namula kahit alam naman niya na si Meshua ang tinutukoy non at hindi si Lanche.
"Hoy babae! explain!" seryoso itong nakatingin sa kaniya habang sinasandok ang carbonara.
Wala siyang choice kundi ang magpaliwanag sa kaibigan.Hindi rin siya makapagsinungaling dito dahil kilala siya nito.
"Ikakasal ka na bukas?!" sigaw nito kaya naman natigilan siya at tinakpan ang bibig ni Chillet.
Nakatingin ang buong students sa cafeteria dahil sa pagsigaw nito.Mabilis niya itong hinila sa labas.
"Beshy sorry!" sabi nito.
"Pabigla-bigla ka kasi eh. Anong kasal agad? Ganon kabilis?" sabi ni Chillet.
Hindi niya ikinwento ang tungkol sa utang ng tatay niya. Ang alam nito ay nakilala niya sa internet at unti-unti itong nahulog sa kaniya.
"Seryoso beshhy?! Maid of honor ako ah?!" pabiro nitong sabi.
"Sasabihin ko sa kaniya." nahihiyang sabi niya.
"Hoy beshy bahala ka diyan! Ako ang maid of honor dapat!" nagtatampong sabi niya.
Hindi niya alam kung papayag ba si Lanche na kasama ang kaibigan niya sa kasal nila bukas. Dahil sa pagkakaalala niya ay secret wedding iyon at si Meshua lang ang kasama.
Kaya kakausapin niya si Meshua bukas para ipasabi kay Lanche ang gusto niya. Kahit na alam niyang baka hindi ito pumayag.Maski ang kapatid niya ay hindi imbitado.Ang tatay lamang niya ang maghahatid sa kaniya sa altar.Kaya mas lalo siyang nagisip na maaring dahilan kay Chillet kung sakaling hindi oumayag si Lanche.Dahil panigurado talaga na pito lang sila bukas sa kasal niya.
Hindi ito ang pangarap niyang kasal subalit wala na siyang magagawa pa.Gustuhin niya man ang normal na kasal ay hindi pwede dahil si Lanche ang masusunod. Kaya nalulungkot siya at hindi niya matutupad ang pangarap na iyon.
Malalim na ang gabi, kaya naman ay hindi siya makatulog, nasa kabilang kwarto lamang si Meshua nagbabantay dahil mahigpit na bilin iyon ni Lanche.
Bukas na ang kasal, may ilang oras pa siya bago magisip ng tamang desisyon. Kung tatakas ba siya o itutuloy iyon.