traydor? Huwag na, hindi ko na sila gusto pa makita. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang tinitignan ang scroll na kung saan naroroon ang mga misyon ko. Ilan na lang ang kulang at matatapos ko na rin ito sa wakas. Sana lang ay ako pa ang mauuna bago ang ibang mga players para mapasaakin ang misyon. Huwag lang sana magkaroon ng problema sa oras na ibigay sa akin ang premyo. Baka huntingin pa ako ng iba. Sa loob ng ilang oras ay patuloy lamang ako sa pagtapos ng misyon. Walang tigil ako sa pagpatay ng mga halimaw at iba pa. Hindi ko na masiyadong maintindihan ang ibang misyon pero ginawa ko pa rin, hanggang sa tuluyan na talaga akong matapos at pinindot ang finish na button sa gilid. Isang malakas na pagsabog ang aking narinig at kasabay nito ang paglabas ng isang napakagandang desinyo

