Chapter 66

1001 Words

Mabilis akong lumingon at tinignan kung sino ang kumalabit sa akin. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng sobrang kapal na sweater, maputi ang kaniyang mukha, nakasuot din ito ng bonnet at sobrang ganda. Ngayon lang yata ako nakakita ng babaeng ganito kaganda. Sa tanang buhay ko, ito pa ang unang beses na nakakita ako ng ganito ka perfect na babae. “Hello,”bati ko sa kaniya pabalik. “Bago ka lamang ba rito?” Tanong niya. “Oo, bakit?” Tugon ko. “Kaya pala bago ka sa paningin namin lahat. Dayuhan ka pala,”ani nito, “Huwag mo sana mamasamain ang paglapit ko sa iyo. Ito kasing mga kasama ko sa aming bayan ay nais itanong ang iyong pangalan at kung ano ang ginagawa mo rito.” “Ganoon ba?” Hindi ko pwedeng sabihin ang tungkol sa motibo ko, kung hindi ay baka itapon pa nila ako at hindi na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD