Sinundan naman ito ng ilang strike damage na may magic damage. Huling nangyari ay isang malakas na kidlat ang tumama sa kaniya na naging dahilan ng kaniyang pagbagsak. Sabay-sabay silang napatingin sa akin lahat. Gulat na gulat at hindi yata alam kung ano ang dapat nilang maging reaksiyon sa ginawa ko. Talaga bang nakakagulat na ginawa ko iyon? Siguro naman ay walang bago sa artifacts sa larong ito, hindi ba? Bakit parang hindi yata sila makapaniwala? Napailing na tumayo na ako at naglakad papalapit sa halimaw. Kinuha ko na agad ang mga kailangan ko kunin at ilang katawan nito na maaring gawing equipment at naglakad na. Bago ako tuluyang makalayo sa kanila ay tinignan ko muna ang mga ito. “Hindi ko alam kung ano ang motibo niyo at gusto niyo akong makausap pero ayos na ako. Huwag niyo n

