"Kay aga Amani ah,"saad ko at tumayo na. Kumuha na ako ng tuwalya at naglakad palabas ng kwarto. Padabog ko sinarado ang pinto atsaka ako naligo. Alam naman nito kung gaano ako napagod kagabi sapagkat dalawang beses akong nag-bihis ng mabibigat na gown atsaka ang daming tao na dapat ko e-entertain kagabi tapos ganito ako magigising? Aba sarap lang niya kamo sapakin. Hinayaan ko na dumaloy ang tubig mula sa shower hanggang sa balat ko. Pina-pakiramdaman ko ang lamig ng tubig at kasabay nito ang paglamig din ng ulo ko. Hindi ko alam ngunit sa tuwing naga-galit ako ay tanging tubig lamang ang nagpa-pakalma sa akin. Bumalik na ako sa aking kwarto at kumuha na ng damit. Napansin ko na wala na ang mga ito dito, at baka nasa baba na ang mga iyon. Dali-dali na akong nagbih

