Nang magising ako ay halos hindi ko alam kung ano ang naging dahilan at bakit sobrang sakit ng aking ulo. Tila ba ay parang sasabog na ito sa sobrang sakit. Hawak-hawak ko lamng ang aking noo habang dahan-dahan akong bumabangon sa kama. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapapikit habang magkasalubong ang aking kilay. "Bakit ba kasi sumasakit na naman itong ulo ko,"bulong ko at huminga ng malalim. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko gamit ang paghinga ngunit kahit anong pilit ko ay talagang sobrang sakit pa rin nito. Unti-unti akong tumayo mula sa aking higaan at naglakad patungo sa aking kusina. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig. Nang makainom na ako ay medyo na bawasan ang sakit ng aking ulo. Mabuti na lang kung ganoon. Kailangan ko lang kumain para makainom na ako ng gamot

